Book Cover
in

BLNK 4 ( BASKETBALL LARO NG KALIBUGAN chapter 1 )

credit to the original author

Basketball laro ng kalibugan book 4

BOOK 4: The Beggining.


Patuloy ang pagpatak ng
luha,kasabay ng paglulon ng mapait
at rumaragasang alak, hindi nya
mabilang kung ilang araw na syang
ganito. Masakit, mahirap. Wala syang
magawa. .hindi nya alam kung saan
mag sisimula, tinitigan nya ang sarili
mula sa salamin, alam nya. .hindi sya
tanga, naguguluhan sya, nakita nya
ang blade sa sulok. Napapikit ang
mata nya, hinagpis sa nakaraan,
niyakap nya ang sarili, tumingin sa
taas, malakas pa din ang maingay na
musika sa kwarto nya. Hinawakan
nya
ang blade, matalas, nasugat agad ang
daliri nya. Inangat nya ang braso,
dinikit ang blade. .bahala na,
“mahal na mahal kita” ang huling
sinabi nya.
Bumwelo ang kamay. .hawak ang
blade. . .
Chapter 1: College Life.
9 na buwan si Baby Dirk ng iwan sila
ni Derek para mag aral ang binata sa
Maynila. Kagaya ng napag usapan
nila
ni Kris,magkaiba sila ng eskwelahan.
Pansamantalang tumira si Derek sa
apartment na binigay ng Ama sa
kanya. Kasalukuyang nasa Maynila
din kasi ang Ama dahil sa negosyo.
Nagkikita pa rin ang mag ama pero
madalang na dahil sa pag aaral ni
Derek. Ang huling balita ni Derek kay
Naomi ay lumipad na ito patungong
Amerika para dun ipagpatuloy ang
pag aaral.
Buwan ng Hulyo, isang buwan muna
ang ginugol ni Derek bago makapag
adjust sa bagong paaralan. BSED ang
kinuha nyang course,kagaya ng
napag usapan nila ni Charity. Madalas
nga magtanong ng assignment ang
binata sa nobya na nag aaral din sa
Harrington, tiwala naman sila sa isa’t
isa dahil sa anak nila.
Sa loob ng isang buwan na pag aaral
ni Derek ay puro nuod lang sya sa
court. Di sya makapaniwala na ang
height nyang 5’10 na matangkad na
nun para sa Harrington ay maliit pa
pala kumpara sa mga player ng
campus nya ngaun- ang St. Margaret
University(kathang isip).
Wala syang lakas para magpapansin
at
sumali sa team dahil kumpara sa mga
height nilang 6’6 pataas ay walang
wala sya. Ang iba kasi’y may lahing
ibang dugo.
Pero isang hapon,habang nanunuod
sya ng practice ay napansin sya ng
Team Captain na si Lemuel.
Si Lemuel, captain ng
Varsity,kinikilalang pinakamagaling
sa
buong campus. Mayabang ang
binata,at syempre, syota nya ang
pinaka hot sa eskwelahan, si Juliet.
Si Juliet, 4th year college, kaeskwela
ni Lemuel, at kinikilalang pinka hot sa
campus, madalas syang makikita na
nakasuot ng revealing clothes.
Napailing si Derek, parang si Kris at
Lovelyn lang to, bahala na.
“hoy, bata, mukhang araw araw kang
nanunuod a” sigaw ni Lemuel kay
Derek.
Sa height nitong 6’7 ay
tinitingala sya ni Derek.
“ang hirap pala maging college” sabi
ng binata sa sarili.
“a, kasi player din ako dati, e
pinapanuod ko lang team mo” sagot
ni Derek at ngumiti.
“player daw?” sigaw ni Steve, at
nagtawanan ang buong Team pati si
Juliet.Nainsulto naman si Derek sa
narinig.
“bata, baka kahit mag dribol di mo
alam” sigaw pa ni Paul.
“oo nga,umupo ka na lang jan at
panuorin kami” dagdag pa ni Andrei.
Lalong nagtawanan ang lahat, inis na
inis naman si Derek, mukhang di sya
kilala ng lahat.
“mga bugok,” ika ni Bert, shooting
guard ng grupo.
“magaling pa sating lahat yan
binabata nyo” dagdag pa nya.
Natahimik naman ang lahat, tapus
biglang tumawa ulit.
“tssgs!” agad nag bounce pass ng
bola
si Bert kay Derek, nasambot ito ng
binata, at ng mahawakan nya ang
bola ay bumalik ang uhaw nya sa
laro,
ang dating Hari ng Basketball ay
nanabik maglaro.
“bakit di nyo sya subukan,” ika pa ni
Bert. Tahimik lang ang lahat ng
makita ang mata ni Derek habang
hawak ang bola.
“ako na muna” ika agad ni Lemuel.
Nagulat ang lahat, ang captain agad
nila ang hahamon sa binata,ganun na
ba kagaling ang baguhan?
Agad humanda si Lemuel sa court.
Ngumiti lang si Derek, sa wakas,
maipapakilala na din nya kung sino
sya.
Agad nagdribol ang binata,
panibagong kalaban to, mahirap,
matangkad. Nagtangka syang
magdrive
pakanan,nasundan sya ni Lemuel,
pumreno ang paa nya umikot
pakaliwa, nandun pa din ang kalaban.
“go babe, kaya mu yan” narinig
nyang
sigaw ni Juliet, litaw ang cleavage ng
dalaga habang natalon.
Huminga ng malalim si Derek, tumitig
ang mata sa kaliwa,sumulong ang
paa, sinundan sya ni Lemuel, agad
dinribol nya sa likod ang bola.
“perfect ball handling” bulong ni
Paul.
Nakalusot si Derek, nakawala sya sa
pagbabantay ni Lemuel, ngayon for
the final touch, bumwelo sya bago
tumalon ng mataas.
Lahat ay tulala sa binata.
Dinakma nito ang bola, kinorte ng
puso, windmill, hinde. .Charity Dunk!
“blaagg” yanig ang board, mulagat
ang mata ng nakasaksi, magaling ang
binata.
“hindi maaari, hindi” paulit ulit na
sabi
ni Lemuel.
“babe that’s ok, bawi ka na lang” ika
ni Juliet.
“no,hindi ako mananalo jan.” sagot ni
Lemuel. Tinitigan nya ang kaliwang
daliri ni Derek at ngumiti sya ng
malaking ngiti.”welcome sa Team
Derek Salvador” ika ni Lemuel. Lahat
ay nagulat sa narinig, ang binatang
nakalaro ni Lemuel ay si Derek
Salvador, ang nagpasikat ng Charity
Dunk, ang binatang nagpapanalo sa
Harrington, ang Hari ng Basketball.
Lahat ay nagdiwang, nagtatalon, sa
wakas, nasa campus nila ang binata,si
Derek, ngayo’y magagawa na nilang
makarating ng finals.
Si Derek nama’y natuwa sa pinakita
ng Team, di nya akalaing sikat pala
ang pangalan nya sa Maynila. Saglit
ay tinitigan nya si Juliet, nginitian nya
ito pero inisnab lang sya nito.
“congrats Derek,welcome to the
team” ika ni Bert sa binata.
Alam nyang malakas ang binata kaya
naman naging mag buddy ang
dalawa.
Sa araw araw na pag papractice ng
Team ay nasa mata ng bawat isa ang
determinasyon para manalo. Ibang
iba
ang college sa hayskul, mas malakas
ang mga manlalaro at ibang iba ang
pakiramdam bawat practice. Alam ni
Derek na ito na ang simula ng bagong
kwento nya,sa piling ng bagong
eskwelahan.

Report

What do you think?

1 Point
Upvote

Written by Jeff

Leave a Reply