Book Cover
in

BLNK 4 ( BASKETBALL LARO NG KALIBUGAN ) chapter 18

credit to the original author

Chapter 18:

 Game 7.

Malakas ang sigawan ng mga fans na
gustong sumaksi sa game 7 ng finals
ng College Basketball Tournament.
Nanlilisik ang mga mata ng mga
manlalaro ng Phoenix University.
manalo, ang team captain na si
Lemuel ay buong suyong nag papayo
sa bawat isa. Samantalang nasa
sulok lang si Derek, iniisip ang
mangyayari, ang huling 48mins ng
kompetisyon.
“babe,galingan mo,” nag aalalang
sabi ni Charity. Dama nyang hindi
madali ang pinagdadaanan ng nobyo
nitong mga nagdaang araw pero buo
pa din ang tiwala nya dito.
Sino nga ba ang makakaisip,sa ikling
panahon na nakasama nya ang
binata eh parang matagal na
panahon
na ang lumipas. Napangiti si Derek.
“dapat may premyo ako pag nanalo
kami” hamon ng binata.
Napahalakhak si Cha, napaisip kung
ano nga ba ang magandang premyo
sa nobyo.
“oo naman meron, mamayang
gabi”at sinamahan ni Cha ng
malanding tawa ang sagot nya.
Naexcite naman ang binata,napatayo
pa sya at sabay sumigaw.
“team win or go home,tara
manungkit ng trophy” ika ng binata
na nagbigay ng sigla sa buong team.
“kaya natin to team,matagal na natin
tong pangarap” ika rin ni Lemuel.
Puno ng tensyon ang buong team at
ng magtagpo sa gitna ang kamay ng
bawat isa ay iisa ang mithi nila. Ang
manalo.
Dumadagundong na hiyawan,kani
kanyang cheer ang bawat manunuod
para sa kanilang team. Mainit ang
pagsalubong ng mga taga Phoenix sa
koponan nila,samantalang puro
kantyaw ang inabot ng Margret ng
lumabas sila.
“anung gagawin mong milagro
Derek”excited na bulong ni Kris sa
sarili.
“babe, goodluck”ika ni Charity at
nagbitaw ng mahabang halik sa bibig.
Napangiti si Derek.
“pampaswerte” ika ni Charity at
tumungo na sa Bench.
Ilang sandali pa at nagsigawan na
ang lahat kasabay ng pagtaas ng
bola hudyat na simula na ng tip off.
Nakuha ng Phoenix ang bola, si Rigor
ang nagdadala. Puno ng kaba ang
binata,ngunit
ayaw nyang ipahalata.
Hinihintay sya ni Derek na
sumugod,sumugod si
Rigor,pakanan,sinundan sya ni Derek,
pero naiwan ang binata dahil may
nag set up ng screen sa kanya.
Naiwan sya sa pag arko ng katawan ni
Rigor,pasok ang unang tira sa laro.
Bola ng Margaret, pero wala man
lang marinig na mag cheer. Balot ng
Phoenix ang boses ng manunuod.
Sumugod si Derek,mahigpit ang
double team sa kanya kaya napilitan
sya ipasa ang bola kay Bert. Tumira
ng
tres si Bert,sablay.
5 mins ang naubos sa 1st Qtr,
tumawag ng timeout ang Margaret sa
score na 18-7,lamang ang Phoenix.
Di makascore si Derek,mahigpit ang
depensa ng kalaban.
Dagdag pa ang maya mayang
kantyaw ng manunuod, natapos ang
1st Qtr sa score na 28-15 lamang pa
din ang Phoenix.
“higpit ng depensa nila sayo Derek, “
ika ni Lemuel,muli wala halos
nagsasalita sa team, halos lahat ay
nawalan na ng pag asa.
“akong bahala team, lalampaso natin
sila. ” ika ni Derek.
2ndQTR. .mas humigpit ang bantay
ng Phoenix,matinding depensa at
magandang play. Kaya dire diretso
ang pagtambak sa kalaban.
Si Derek ay di halos makapuntos,
sablay lagi ang mga tira nya dala
marahil ng takot.
Pinagtawanan pa sya ng lahat ng
mablockan sya ni Rigor at mabitawan
nya ang bola para ma out of bounce
ito.”sh*t,anu ginagawa mo bata, wag
ka
magkalat”inis na sigaw ni Steve kay
Derek..
35-23, score ng laro, 6:52 ang
nalalabing oras. Panay ang kantyaw
ng buong manunuod sa mga dayo.
Hapong hapo si Derek,unang laro nya
ito na halos wala syang magawa para
makahabol. Hindi sya sanay sa
kantyaw na tinatamo nya ngayon,
nasanay sya sa mga papuri ng
manunuod.
Hawak ni Derek ang bola,
kinakabahan ma’y pinili nyang
magdrive, ayaw
nyang masira ang tiwala ng lahat sa
kanya.
Sinundan sa ni Rigor.pumihit
pakanan si Derek, malapit sa ring,
nasalubong si Patrick, forward ng
Phoenix, nag spin move si Derek,
naiwan ang kalaban,tinaas ang
kamay patutok sa ring,ngunit
humarang ang kamay ni Shawn.
“pangatlo na to bata” bulong ni
Shawn. Ngumiti lang si Derek,
mistulang slowmo ang lahat, bumalik
pababa ang kamay ni Derek,dala ang
bola at pinatalbog ang bola kay
Lemuel.
Umatras si Lemuel,pinabounce ng isa
ang bola,sapat para sumakto ang paa
sa 3pt area,libre syang nagbitaw ng
tira at pumasok. Sigawan ang buong
Margaret.
Napaisip si Derek. Tama! Hindi nya
kakayaning mag isa ang Phoenix.
Kelangan nya ang buong team.
Maganda ang sumunod na laro ng
Margaret, natapos ang 2nd Qtr sa
score na 40-35,in favor of Phoenix.
Tuloy tuloy ang magandang laro ng
Margaret ng matapos ang 3rd Qtr sa
score na 56-55.
At ng huling 3 minuto ng 4th Qtr ay
lumamang ang Margaret sa score na
80-83.
Hawak ni Rigor ang bola,ngdrive sya
papunta kay Derek,sinalubong sya ng
binata, nagfake si Rigor, naiwan si
Derek, at diretsong naglay up ang
kalaban. 82-83.
Bola ng Margaret, inbound ni Steve
kay Derek na agad binigay kay
Lemuel ang bola,mahigpit ang
bantay,ayaw papasukin ng Phoenix
sa paint ang kalaban,ayaw paiskorin.
Hinawi ni Shawn ang bola, agad
binigay ni Lemuel kay Bert ang bola
na agad bumitaw ng perimeter shot.
Pasok. 82-85.
Palitan ang score na umabot ng
86-87.
Last 13 seconds ng 4th Qtr. Lamang
ang Margaret. No time out at foul to
give na ang dalawang team.
Inbound ni Lemuel, ubos oras ang
Margaret, kelangang pumuntos para
sure win sila, papasa pasa ang
bola,last 6 sec, nanakbo si Derek sa
ring,humakbang ng dalawang beses,
at nagsagaw ng malakas na dunk.
86-89. Lamang ng tatlo ang Margaret.
Lahat ay tumatalon sa saya,pero ang
mga manlalaro sa court ay di pa
sigurado. 4 seconds pa at may oras pa
para mag tres ang kalaban para mag
overtime, lahat ay nagbabantay sa
kung sinu mang titira sa tres.
Hirap naman si Shawn sa pag inbound
ng bola,wala syang mapasahan.
Lahat ay mahigpit na binabantayan,
nagkagulo sa court. .si Ringo, mag isa.
Agad pinasa ni Shawn kay Rigor ang
inbound,ngunit laking gulat nya ng
makitang patakbo si Derek para
iintercept ang bola. Huli na,
nabitawan na nya ito.
Lahat ay tahimik ng maintercept ni
Derek ang bola at diretsong
nagsagawa ng exhibition dunk. 86-91.
Tumunog ang buzzer. Hudyat na
tapos na ang Laro. Margaret wins

Report

What do you think?

0 Points
Veteran

Written by Jeff

Story MakerContent Author

Leave a Reply