Book Cover
in ,

( BLNK 1 ) BASKETBALL LARO NG KALIBUGAN chapter 16

Credit to the original author

BLNK 1 (Basketball: Laro Ng Kalibugan) Part 16
Chapter 16: Basketball

“prrp” hudyat na simula na ang 1st
Qtr. Mataas na hinagis ng referee ang
bola,kasunod ng dalawang kamay na
nag uunahan para abutin ito.
“pak” nanalo si Doroy sa jumble.
Nakuha ito ni Badi,ang pointguard
nila.
Binabantayan sya ni Kieth, todo cheer
naman si Charity kay Kieth. At sa
bawat sigaw ng pangalan nya ay
kumakaway itong si Kieth,yun ng
naging dahilan para makalusot sa
dipensa nya si Badi, agad itong
umapak sa 3pt line at hinagis ang
bola.
“rebound” sigaw ni Derek, natunugan
nyang kapos ito,ngunit bago pa man
makuha ni Kris ang bola ay nadampot
na ito ni Doroy para maisagawa ang
alley oop sa hara ni Kris. Tahimik ang
buong campus. Yung iba puro boo
lang. .
Napailing si Kris,dapat di pinabayaan
ni Kieth ang kalaban.
Opensa, si Kieth ang nagdadala ng
bola,magaling sya sa ball handling
kaya sya ang pointguard nila, ngunit
katulad kanina, di pa din maiwasan
ng
binata na magpapansin sa mga tao,
bagay na kinagalit ni Derek at
Kris,kaya naman ng akmang mag da
drive na si Kieth ay walang kahirap
hirap itong naagaw ni Badi.
Long pass agad kay Doroy na nasa
free throw line, isang dribol at
bumwelo ito para magsagawa muli ng
ikalawang dunk.
Ngunit nagulat ito na nasa ere na sya
ay may kamay na biglang humarang
sa bolang ida dunk nya. Natakot sya,
pero hindi sya patatalo.
Pwersahan nyang hinampas ang bola
papunta sa ring ngunit gayon na lang
ang pagkagulat nya ng malakas na
tapikin ito ng nasa harap nya na
parang volleyball.Lumabas ang bola.
Out of bound, may takot sa mata ni
Doroy. Ngaun lang sya nakaranas na
matapalan. Tiningnan nya ang
lalaking nakatapal sa kanya.
Number 18, Salvador.
“di ka na makaka dunk ulet. .trust
me” nakangiting sabi ni Derek at
iniwan ang tulalang Doroy.
Sigawan naman ang mga tao sa
ginawa ni Derek.
“ang galing nya talaga,no wonder sya
ang next team captain ng school”
bulong ng babaeng katabi ni Charity.
“saka ang cute nya,sh*t. .pag ako
niligawan nyan, sasagutin ko yan
agad” sabi pa ng isa. Naalala tuloy ni
Charity na sya ang babaeng
minamahal ni Derek. Ngunit,
binalewala nya ang
nararamdaman ng binata para sa
kanya at idiniin si Kieth na
kasalukuyang nobyo na nya.
Totoo nga ang sinabi ni Derek, di na
muling nakapag dunk si Doroy. .naka
8 blocks na sya dito tuwing
magtatangka itong mag dunk.
Ang first at 2nd Qtr ng laro ay naging
mahirap lalo’t si Kris at Derek lang
ang nagawa. Dagdag pa ang
magagaling na kalaban. At ang higit
13 turnovers ni Kieth. Inis na inis
man,nagtimpi pa din si Kris. Ayaw
nyang magkasagutan sila lalo’t may
laro ngayon.
Sa score na 52-30, natambakan sila
ng FWU.
Ngunit di naman pumayag si Derek na
ganun na lang matapos ang laro,sa
score na 72-70 ay nagawa nilang
habulin ang kalaban.
Ng magsimula ang 4th qtr ay nahabol
pa nila ito at nagawa pa nilang
lamangan, ngunit masyadong
magaling ang FWU.
At ng last 1 minute ng laro, ball
possession nila Derek. 87-84 ang
score.
Agad pinasa ni Kieth ang bola kay
Derek.Tumakbo naman agad si Derek,
nag cross over spin sa kalaban at
harapang tinalunan si Doroy.
Pwersahan ang dalawa na sa huli’y
nagawang i-dunk ni Derek ang bola
plus counted foul pa.
Nagawang i-shoot ni Derek ang free
throw para ma tie ang laro sa score
na 87-87.
Time out ang kalaban agad
nagyakapan ang team nila Kris,
sigawan din ang buong campus nila.
Maging si Lovelyn ay di maiwasang
humanga sa ginawa ni Derek.
Gayundin si Charity.
Last 48 sec. bola ng kalaban, ubos
oras lang sila, hanggang magdrive si
Doroy papuntang ring, agad syang
hinarang ni Derek,ngunit laking gulat
nito ng ipasa bigla ni Doroy ang bola
sa kateam mate na libreng libre sa
3point line. .pasok ang 3point.
90-87.
Last 30 sec, bola nila Derek, hirap
silang makapasok, sa isang iglap ay
nagdrive din si Kris sa ring, tumalon
xa
ng mataas kasabay si Doroy,ngiti lang
ang binata ng ibaba nito ang kamay
at
ihagis kay Derek ang bola para tumira
ng 3point.
Pasok ito. .muling nag tie ang
score. .muling nag sigawan ang mga
tao,at walang hanggang pag hanga
ang natamo ni Derek. Sa score na 32
points,7 reb, 8 blocks, pinagharian
nya
ang court.
Pero di pa tapos ang laro, ipon ang
lahat ng team sa ring ng kalaban,
ngunit ng mag inbound ang kalaban
ay agad itong na intercep ni
Derek,solo nila ni Kieth ang ring
nila.walang bantay except sa isang
nahabol, pinasa nya kay Kieth ang
bola para gumawa ng play ,
tumatakbo ang oras, huling 10
segundo.
Sigawan ang lahat, ramdam nila na
mananalo sila.Ngunit muli, binitawan
ni Kieth ang bola at kumaway sa fans,
umaasa na sure win na sila. Ngunit
agad itong naagaw ng kalaban sa
kanya. Napailing si Derek. Huling
tatlong segundo ay pinasa nito ang
bola kay Doroy, at agad tumira ng
perimeter shot.
Tumalon pa si Kris kay Doroy ngunit
huli na, naihagis na nito ang bola at
diretsong pumasok sa ring kasabay
ng
buzzer. Hudyat na tapos na ang laro,
talo sila. Sa sariling court. Wala na
silang nagawa kundi pagmasdan ang
kalaban na magdiwang sa campus
nila.

“blaag!” isang malakas na suntok ang
binitiwan ni Kris sa locker nya.
Nagulat ang lahat ng nasa locker
room ng Varsity nila. Pinipigilan
naman sya ng kanyang nobya na si
Lovelyn.
Tameme lang si Keith, na dahilan ng
kanilang pagkatalo, kasalukuyan
syang pinupunasan ng pawis ni
Charity,samantalang tahimik lang sa
sulok si Derek.
“look what you’ve done, were almost
there. .f*ck! .antagal natin hinintay
ang pagkakataong ito,ngayong
muntikan na, sinayang mo pa” galit
na sigaw ni Kris kay Keith, gusto
nyang sungaban at suntukin ito,pero
nagtitimpi sya dahil alam nyang
kawawa ito pag ginulpe nya.
“tama na yan hon” pagpigil naman ni
Lovelyn sa nobyo. Kita nya sa mukha
nito ang pagka dismaya, at galit.
Nagulat naman si Charity sa
narinig,tama ba ang narinig nya?
Tinawag ni Lovelyn ang kuya nya ng
Hon,ibig sabihin nagkabalikan na sila.
Gayun na lang ang awa nya kay
Derek,napatingin sya sa
kinaroroonan nito, tahimik lang ang
binata,halatang
kumukuha ng lakas dahil hapong
hapo sya sa laro. May kirot na
kumuldit
sa puso nya, kelan ba nya maaamin
sa binata,sa lahat at sa sarili nya ang
katotohanang mahal nya ito.
Napasinghap si Charity, natigil ang
pag iisip nya ng tumayo ang boyfriend
nya.
“sh*t,dude,i’m sorry ok? Anu ba
kinakagalit mo, that’s just a practice
game,who the hell would give
importance to that,i mean, who cares
if we lose or win” sigaw ni Keith.
Napatunganga ang lahat sa kanya.
Nanliit ang tingin.
“practice game or not, basketball pa
din yun” tanging nasabi ni Kris.”and
naghirap kami, ako, lalo na si Derek
na gawin ang lahat para manalo,pero
sinayang mo” dagdag pa nito, sa
kalmadong boses.
“kuya tama na nga,nag sorry na sya
ah,”
pagtatangol naman ni Charity sa
nobyo nito.
“cha, wag mong ipagtangol yan dahil
kahit tanungin mo ang lahat, alam
namin na sya ang dahilan ng
pagkatalo ng team” sagot ni Kris.
Sumang ayon naman ang buong
team.
“sh*t Kuya,don’t tell that, kung sana
naging maganda ang performance
nyo, kung sana nalampasan nyo ang
galing ng kalaban at kung sana you
did your best,baka nanalo pa
tayo,kulang
kayo sa performance,yun ang
nagpatalo sa nyo” sumigaw na din si
Charity. Kalmado lang si Derek na
nakikinig.
“don’t talk to me like that Charity,
God knows we did our best” sagot ng
kuya nya.
“yes Kuya, sabihin na nating you did
your best, but kulang, kaya kayo
natalo” sagot ni Charity.
“cha,stop that,igalang mo naman
kuya mo” singit ng nagagalit na
Lovelyn. Mistulang away ang
pangyayari.
“wag ka makialam Ate Lovelyn,it’s
between me and My Kuya” sagot ni
Charity.
“no it’s not” sumigaw agad sa
kalmadong boses si Derek. Lahat ay
natahimik ng magsalita sya.
“its not just between you and Kris
Charity, it’s about the team, OUR
TEAM” dagdag pa nito.
“kung kinukwestyon mo ang
pagkukulang namin sa performance,
bakit di mo silipin ang performance ng
bf mo.” dire diretso ang bibig ni Derek,
ngunit nakayuko lang ito. Nagulat
naman si Kris ng malamang bf ng
kapatid nya si Keith.”lahat kami may
hanganan, napapagod, Charity,
sabihin mo nga, sa buong game ba
nakita mo kaming nagpahinga ng
Kuya mo?” umiling ang dalaga. Unti
unting parang kandila syang naupos.
“Charity if you can’t accept the reality
na gawa ng bf mo kaya natalo,then
mas lalong di ko matatangap na
natalo tayo dahil mahina tayo”
huling sagot ni Derek at agad umalis
sa locker room. Bitbit ang pagod na
katawan at pusong sawi, tama na,
pababayaan na nya si Charity sa bf
nito. Mag fo-focus sya sa basketball.
At least nandyan pa si Kris at Lovelyn
na naniniwala sa kanya.
Lumabas sya ng court at nakitang
simula na nagbukas na pala ang
acoustic booth, gusto nyang makinig
ng musika,para malibang naman ang
puso nya. Mabilis syang nagtatakbo
sa koridor ng sa biglang pagliko nya
ay
may nabungo ang babae,
“blaaag.” tumama ang ulo ng babae
sa dibdib ni Derek, natumba sila
pareho,ngunit hindi magkapatong.
“wata, .sori miss,” inalalayan pa ni
Derek ang babae na tumayo, likas
talagang maginoo ang binata.
“aray. .di kasi nag iingat” sagot ng
dalaga. Saglit nagkatitigan sila.
Ngumiti si Derek,katulad ng ginagawa
nya sa ibang babae para maakit sila,
ngunit lalong sumimangot ang
dalaga.
“gago ngingiti ngiti ka pa ansakit ng
ulo ko” galit ang dalaga. Di
maipagkakailang nagwapuhan ito sa
binata.
Wala naman sa mood makipagkilala si
Derek kaya hinalikan na lang nya sa
cheeks ang babae sabay takbo.
“sh*t, tang ina ka” sigaw ng dalaga
sa kanya, nag blush pa ito at
napangiti sa nangyari. Maganda ang
dalaga, kumbaga perfect girl din, at
ang unang napansin pa ni Derek ay
ang matang mapang akit nito,
maganda
din ang katawan nito pero syempre,
me laman na ang puso nya kaya di
sya basta basta maaakit ng stranger
na babaeng yun.
Sa wakas narating nya ang acoustic
booth, suminghap sya at inayos ang
sarili.
Dahan dahan, pumasok sya sa room.

ITUTULOY!

Report

What do you think?

2 Points
Upvote

Written by Jeff

Leave a Reply