in

SOULMATES (Continuation of Part 1)

Pagkatapos ay naghanap kami ng apartment na malapit sa school na pinapasukan namin. Hati kami ni Nida sa upa. Umalis ako sa Dorm na tinutuluyan ko at umalis din siya sa tinitirhan nya.

” Time to establish tne rules,” Sabi ni Nida. Yun ang peculiar sa isang relationship, lalo sa isang mag-asawa. Para ding uri ng gobyerno ang isang tahanan. May democratic, may dictatorial. Pero, ako, sa tingin ko, okey lang pagbigyan si misis sa kanyang dictatorial tendencies, basta masaya siya. Kasi si misis naman talaga ang manager ng tahanan. Sa kanila naman talaga umiikot ang mundo ng pagpapamilya.

” Dahil magka-iba ang schedule natin, rule number one, ang mauna na matapos ang klase ang maghahanda ng pagkain. Rule number two, walang lakwatsa, pagkatapos ng klase uwi agad ng bahay. Rule number three wag titingin sa ibang babae, utmost loyalty ang kailangan, ” Seryosong sabi ni Nida.

” Di ba given na yun, dahil kasal na tayo talagang dapat tapat tayo sa isa’t-isa,” Sabi ko.

” Naninigurado lang ako, yung isa dyan kasi, matamis ang dila, maraming napapahanga, at mabilis ang kamay,” Sabi nya na naka-nguso sa akin.

” Rule number four, wag nangangalabit kung pagod at wala sa mood si misis. Pero, pag si misis ang nangalabit, ora mismo dapat pagbigyan! ” Lahad nya.

” Parang one sided lang yang rule na yan, eh paano kung talagang gusto ko, pwede ako mangalabit sa iba? ” Tanong ko sa kanya.

” Ah, naku, Timothy, yan ang wag na wag mong gagawin na mangalabit sa iba at, puputulan kita! ” Sabi nya na nandidilat ang magagandang mga mata nya.

” Teka, war-freak ka naman agad. Kumain na tayo, anong dinner natin? ” Tanong ko para malayo sa ‘putulan’ ang usapan.

” Pizza ang dinner natin nag order na ako kanina bago ka dumating,” Sabi nya na nakatawa na.

” Di ba pizza din ang lunch natin kanina? ” Tanong ko sa kanya.

” Iba namang flavor to, saka may dagdag na bonus,” Sabi nya na nakikita ko sa kanyang mga mata na may naiisip siyang kapilyahan.

Malambing na kumandong siya sa akin. Nakaupo ako sa silya ng lamesa na kainan namin. Naka sando at naka boxer shorts na lang ako, at nakapambahay na manipis na bestida naman siya.

” Ang pizza pie ko ang bonus,” Maharot na bulong nya sa akin.

Sa pagkandong nya at sa sinabi nya, biglang tumindig ang alaga ko sa ilalim ng pang-upo nya.

” Kitam, ako na ang amo ng alaga mo, naamoy pa lang ang pizza ko ay naka saludo agad yan,” Sabi nya. Tumayo siya sa pagkakandong sa kandungan ko at hinubad ang panty nya. Idinuldol sa ilong ko ang pundya ng panty nya.

” Hmmm, amoy pizza nga, yang pizza mo na yan ang kahit araw at gabi mo ipakain sa akin, di ko pagsasawaan,” Sabi ko.

Inilapag nya sa lamesa ang hinubad na panty at malanding binulungan ako.

” Hubarin mo na ang shorts mo, at iuupo ko ang pizza ko sa hotdog mo,”Sabi nya na namimilog ang mata.

Mabilis akong tumalima. Umigkas ang matigas na hotdog ko ng hubarin ko ang boxer shorts ko. Inilayo namin ng bahagya ang silya mula sa lamesa at naupo ako na nakatirik ang hotdog ko at handa ng tuhugin ang matambok na pizza nya. Paharap siya sa akin na inupuan ang matigas na hotdog ko. Napa-ungol siya ng sumagad sa kaloob-looban ng hiyas nya ang kahabaan ko. Naglapat ang aming mga labi habang marahan siyang nag-urong sulong sa kandungan ko. Damang dama ko ang mainit na kasikipan nya na humakab sa kahabaan ko, at sa bawat pagsulong nya sa aking pagkalalaki ay may nabubundol na matigas na muscle ang ulo ng aking katigasan sa bukana ng kanyang matris. Napapapikit siya sa tuwing tatama doon ang ulo ng aking alaga, at napapa-ungol siya sa matinding sarap.

Ilang sandali pa ay bumilis ang kanyang pag-urong sulong. Saka siya nagbaba taas sa kaangkinan ko. Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa loob ng bestida nya at hinawakan ko ang magkabilang balakang nya at giniyahan ko ang pagbaba-taas nya sa kandungan ko. Patindi ng patindi ang bilis ng pagbaba at taas ng naglalawang hiyas nya sa katigasan ko. Sinasalubong ko na ng ang marahas na pagsalpak ng hiyas nya sa puno ng kaangkinan ko, nararamdaman kong nababasa na ang dalawang supot ng itlog ko sa katas na dumadaloy mula sa hiyas nya.

” Malapit na ako Tim, ohhhh, ohhhh, God, lalabasan na akooo, ahhhhh,” At ipinirmi nya ang pagkakasalpak ng kanyang hiyas sa katigasan ko na sumasabay ang pagsumpit ng katas ko sa pagbulwak ng katas nya na pumuno sa kahabaan ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Habang ninanamnam namin ang paghahalo ng aming katas sa loob ng kanyang hiyas.

Naging pulo’t- gata ang bawat araw at gabi ng pagsasama namin ni Nida. Napuputol lang ang araw gabi naming pagtatalik pag may red flag siya. Parang lagi kaming sabik sa isa’t-lsa. Minsan ay manonood kami ng sine, at doon sa balcony ay maglalaro kami ng ‘dukot-dukot’. Dudukutin ko ang hiyas nya, at dudukutin naman nya ang hotdog ko. Dadaliriin ko ang hiyas nya at kakamayin nya naman ang katigasan ko. At minsan, pag tyempo na nilalangaw ang palabas at kokonte talaga ang manonood, ay lakas- loob nyang isinusubo ang hotdog ko at kinakain ko naman ang pizza nya. Pagkatapos ay mag-dribble-dribble siya sa kandungan ko, hanggang kapwa namin marating ang sukdulan at sabay naming nanamnamin ang paghahalo ng aming katas sa kanyang hiyas. Sexually compatible ang aming mga birthsign ayon sa Astrology. Aries ako at Leo si Nida.

At isang araw iyon na nasa mall kami ni Nida, at katatapos lang namin manood ng sine. Kumain kami sa isang fastfood ng muling mag-krus ang landas namin ni Lalaine. Nagpaalam si Nida na pupunta sa comfort room. Katatayo pa lang nya ng bumungad sa pinto ang babae na naging inspirasyon ko sa aking mga tula.

Gulat na gulat din siya ng makita ako.

Pero, parang pareho kaming walang masabi habang magkaharap kami sa isang mesa. Iniwanan ko ang mesa na kinainan namin ni Nida.

” Kumusta ka na? ” Sa wakas ay nasabi ko. Bakit kay Lalaine eh nauumid ako? Bakit ayaw lumabas sa bibig ko ang sinasabi ng puso ko?

” Nag-aaral ako dyan sa PWU, kumukuha ako ng Social Work,” Sabi nya.Nalulunod ako sa kariktan ni Lalaine. Ang bilis ng ‘tigadog-tigadog’ ng puso ko. Ang nag-iisang biloy sa pisngi nya ay lalong nagpapabilis ng sikdo ng dibdib ko.

” Ano,tititigan mo na na lamang ba ako? ” Nakatawang sabi sa akin ni Lalaine.

“Tim, nandyan ka pala,” Hindi ko nasabi ang gusto ko sanang sabihin sa biglang pagsulpot ni Nida sa likuran ko. Napatingin si Lalaine kay Nida, at binalingan ako ng nagtatanong na tingin.

” Nida, si Lalaine, kaklase ko nung highschool, Lalaine si Nida,” Pagpapakilala ko sa dalawa.

” Ako ang misis ni Tim,” Sabi ni Nida kay Lalaine.

” Ah, nag-asawa ka na pala, Tim? ” Blankong tanong ni Lalaine sa akin.

” Kakakasal lang namin. And if you’ll excuse us, may pupuntahan pa kami.” Diretsahang sabi ni Nida kay Lalaine.
” Oh, sorry kung nakaabala ako, hindi pa nga rin ako nakaka- order ng pagkain ko. Nice meeting you again, Tim,” Sabi ni Lalaine, at mabilis na nitong tinungo ang counter para mag- order ng pagkain.

” May violation ka,” Sabi sa akin ni Nida ng dumating kami sa apartment.

” Gross violation of rule number three, kaya bilang parusa, paliligayahin mo ako ngayong buong magdamag, ” Sabi ni Nida.

” On top pa yan na one week na ikaw ang maghugas ng ating pinagkainan, ” Deklarasyon ni Nida.

Lihim akong napangiti.

” Nangingiti ka, Timothy? Paliligayahin mo ako sa pamamagitan ng bibig at dila mo lang. Bibig at dila lang gagamitin mo para paligayahin ako, maliwanag? ” Sabi nya.

Sinimulan ko siyang paligayahin ng nasa banyo kami at sabay kaming nagshower. Katatapos ko lang susuhin ang malulusog na suso nya. Nasa ibaba na ng puson nya ang halik ko. Nang nandoon na ang dila ko sa biyak nya ay kinanti- kanti ko lang ng dila ko ang labia at tinggil nya. Pag nararamdaman kong malapit na siya ay hahalikan ko siya sa magkabilang singit nya.

” May kiliti ako dyan Tim, ano ba? ” At mapapabungisngis siya ng tawa.

” Tim,” Bulong nya.

” Bakit? ” Tanong ko.

” Ipasok mo na,” Sabi nya.

” Ang alin? ” Pamaang na tanong ko.

” Ito,” Kinapa nya ang matigas na kargada ko.

” Hindi na ito naka- ban?”

” Hindi na, abswelto ka na,” At magdamag kaming nagtalik na nakapasok ang aking katigasan sa kanyang hiyas.

Ang buong pag-asa ko ay kami ng talaga ni Nida. Masaya kamj sa aming pagsasama, lalo sa aming sex life. Sa piling niya ay parang nakalimutan ko na si Lalaine. Pero isang araw, nasa pangatlong taon na ako sa kolehiyo, graduating na si Nida. Nauna ako sa aming apartment at wala kaming professor sa huli kong subject. Nadatnan ko na nag- aabang sa amin yung anak ng may-ari ng apartment.

” Kuya, pinabibigay po ni Mommy, may return card daw po yan, para kay Ate,” Sabi nito at iniwan na sa akin ang sulat. Pagkapasok ko sa apartment ay binuksan ko ang sulat. Galing ito sa US embassy. At sinasabi dito na approved na ang petition for immigration ni Nida.

” Congratulations,” Bati ko sa kanya ng dumating siya at inabot ko ang sulat.

Yun daw ang dahilan kaya niyaya nya ako na magpakasal kami at magsama bilang mag-asawa. Kasi naka salang na ang petition ng kanyang mga magulang para makapag migrate siya sa Amerika.

Mahal daw nya ako, at kukunin daw nya ako pag maayos na ang kalagayan nya doon.

Pagkaraang maiayos nya ang mga papeles nya ay inihatid ko siya sa airport.

” Always remember, rule number three,” Paalala nya sa akin. At naglapat ang aming mga labi, bago siya tuluyang pumasok sa pre-departure area ng NAIA.

Nagdaan ang dalawang taon, at kahit isang sulat o anumang uri ng communications ay wala akong natanggap mula kay Nida. Araw ng pagtatapos ko sa Engineering. Sa isang malaking hotel ginanap ang aming commencement program. Hindi nakadalo ang mga parents ko kasi nasa Canada na sila. Nag-aabang ako ng taxi ng makita ko ang babae na inspirasyon ng mga tula ko.

” Lalaine! ” Sigaw ko.

Nang lumingon siya, tulad ko ay di rin nya inaasahan ang aming pagkikita sa lugar na yun. At naisip ko, di ko na mapapalampas pa ang pagkakataon na yun.

” Anong ginagawa mo dito? ” Tanong ko sa kanya.

” Isinama ako ng pinsan ko graduation nya ngayon,” Sabi nya.

” Nahiwalay nga ako sa kanila, kanina ko pa sila hinahanap,” Sabi pa ni Lalaine.

” Tara, sumama ka na sa akin,” Yaya ko sa kanya.

” Saan tayo pupunta? ” Tanong nya.

” Sa langit, ?” Sabi ko.

” Puro ka kalokohan, mamaya mahuli ka na naman ng asawa mo, ” Sabi nya. Pero hindi siya tumutol ng hinila ko siya sa mga kamay.

” Mahabang salaysayin, pero wala akong asawa, ” Sabi ko.

Magsasalita pa sana siya ng huminto ang taxi na pinara ko. Sumakay si Lalaine makaraang sumakay ako. Ibinulong ko sa driver kung saan nya kami ihahatid. Nag- thumbs up ito at tinapunan ng tingin sa salamin si Lalaine bago pinaharurot ang taxi.

Paakyat na kami ng kwarto ng hotel at naka- sunod kami sa bellboy na siyang nagbukas ng kwarto at ipinakita muna ang kabuuan ng kwarto at iniabot sa akin ang susi at magalang na yumukod at iniwan na kami. Gumagala ang tingin ni Lalaine sa loob ng kwarto.

Mahal ang upa sa ganitong kwarto ano? ” Namamanghang tanong ni Lalaine.

” 15k, kasama ang dinner, breakfast at lunch,” Sabi ko.

” Grabe ang mahal pala,” Sabi ni Lalaine na tumabi sa akin habang binabasa ko ang menu ng dinner.

Kumapit siya sa braso ko.

” Pumili ka na ng dinner na gusto mo,” Sabi ko.

” Paano mo naisip na sasama ako sayo sa ganito? ” Tanong nya.

” Hunch lang saka logical deduction. Nang sumunod ka sa akin sa loob ng taxi, sabi ko sa sarili ko, di ko na pakakawalang pagkakataon na ito,” Tinitigan ko siya, at nakipagtitigan siya sa akin. Nauna akong nagbaba ng tingin. Ibig sabihin papailalim ako sa kagustuhan nya,

” Naisip ko rin kasi na di ko narin dapat palampasin ang pagkakataon na ito. At natuwa ako sa inilagay mo sa registration sa lobby, inilagay mo tayo bilang ‘Mr. and Mrs. Lalaine Leynes’, dapat totohanin mo yan,” Sabi pa ni Lalaine.

Naka higa na kami sa matrimonial bed ng honeymoon suite ng hotel. Pinadalhan ako ng pera ng mga ate ko na nasa Canada, kung saan naroon ngayon ang mga magulang namin. Graduation gift daw sa akin. At naisip kong okey din na maging bunso at nag-iisa lang na lalaking anak sa pamilya. Spoiled ako sa pagmamahal ng sampu kong kapatid na mga babae. Kahit na minsan puro kurot at kutos ang inaabot ko sa kanila nung panahon ng aking kamusmusan. Hindi kasi nila maintindihan ang mga kapilyuhan ng isang batang lalaki.

” Ligo tayo?” Sabi ko kay Lalaine, sa pagkakahiga namin na magkatabi sa gitna ng malaki at malambot na kama. Nakatingin kami sa kisame, sa magarang aranyas na nasa uluhan namin. Katatapos lang namin pagsaluhan ang masarap na hapunan.

” Ligo ka dyan, may iba kang balak, alam ko yun,” Sabi nya. Inabot nya ang isang kamay ko at nag-holding hands kami.

” Parang nananaginip lang ako, na nandito tayo at magkatabi tayo,” Sabi ni Lalaine.

” Ni hindi mo pa nga ako nililigawan. Hindi ko pa naririnig sayo na mahal mo ako,” Litanya nya habang nakatingin pa rin sa kisame.

Pinisil ko ang kamay nya at ipinatong sa dibdib ko.

” Minahal na kita, simula pa ng makita kita sa school,” Sabi ko sa kanya, habang inilapat ko ang malambot na palad nya sa dibdib ko at saka ko ipinatong ang sarili kong palad sa kamay nya.

” Ikaw ang inspirasyon ko sa mga love poems ko,” Sabi ko sa kanya.

” Eh bakit lagi mo akong iniiwasan? ” Biglang tanong nya na bumalikwas ng higa, tumagilid at inilapit ang maganda nyang mukha sa akin. Langhap ko ang kanyang bango. Nanunuot sa pandama ko ang kanyang halimuyak.

” Sabi kasi ni Elsa, di mo ako magugustuhan at hindi tayo bagay dahil ganito tayo,” Binali ko pababa ang dalawang panggitnang daliri ng kamay ko at hinawakan ng hinlalaki, at ang naiwang nakatayo na mga daliri ay ang hintuturo at ang hinliliit.

” Ito ka raw na hintururo, at ako naman itong hinliliit,” Sabi ko pa.

Natawa siya at dumapa sa kama at pinagmasdan ako.

” Sila lang nag-iisip no’n, hindi ko napapansin yun na mas matangkad ako sayo. Hindi mo alam crush kita, at masaya ako pag nakikita kita,lalo pag nasa stage ka at nagtatalumpati o kaya ay tumutula, ako ay isa sa maraming pumapalakpak sayo,” Sabi nya na nakatawa sa akin. Kinabig ko siya payakap sa akin. Inilapat nya ang kanyang pisngi sa dibdib ko.

” Kay tagal kong naghintay na magkalapit tayo,” Madamdaming sabi nya.

” Pero, pag nagsisimula ng magkalapit tayo, nagkakaroon ng hadlang, si Elsa, si Celso, at yung Nida mo. Pero, gumagawa pa rin ang tadhana na magkalapit tayo. Pakiramdam ko ikaw ang soulmate ko,” Sabi nya.

Soulmates. Magka-hugpong ang aming mga kaluluwa?

” Ligo na tayo,” Sabi ko sabay tayo sa kama at hinila ko siya sa kamay papunta sa banyo.

” Hindi na ako uuwi sa amin. Sasama na ako sayo,” Sabi nya habang papasok kami sa banyo.

” Sino naman ang may sabi sayo na pauuwiin pa kita?” Sabi ko sa kanya. Nasa loob na kami ng banyo, at buong pagsuyo ko siyang hinagkan.

Matapos akong samahan ng kapatid ko na narito sa Pilipinas na mamanhikan kina Lalaine ay naitakda ang aming kasal.

” Para maayos ang ating pagsasama, magtakda tayo ng mga rules na ating tutuparin,” Sabi ni Lalaine. Una, hati tayo sa gawaing bahay. Kung sino ang libre, siya ang gagawa ng mga gawaing bahay. Dahil magre-review ka para sa board exam mo at tatapusin ko ang masterial ko, magpa-plano tayo kung kelan tayo magkaka-baby. Rule number two, walang lakwatsa at laging maaga umuwi sa bahay. Rule number three, loyalty sa asawa. Wag titingin sa ibang babae.Rule number four, maging considerate sa pangangailangan ng bawat-isa. Kailangan consensual ang sex. Kailangan parehas gusto at walang pilitan. Otner rules are to be established as needed,” Pahayag ni Lalaine. At lto ang aming pre-nup agreement.

Nang araw na ikasal kami ni Lalaine, nakita nya kung paano ako napapalibutan ng mga babae. Dumating lahat ang mga kapatid ko, pati ang mga magulang ko. Sa isang hotel ginanap ang reception. Tuwang-tuwa si Lalaine ng makaharap ang labing isang babae sa buhay ko.

” Alagaan mo ang bunso namin,” Sabi ng sampu kong kapatid.

” Pakamahalin mo ang bunso ko,” Bilin kay Lalaine ng nanay ko.

At sa bahay na namin na iniwan ng mga magulang ko sa akin kami tumira ni Lalaine matapos ang aming kasal. Minsan ko ng naisama si Nida dito.

Naging masaya at maayos ang aming pagsasama ni Lalaine, palibhasa ay talagang mahal namin ang isa’t-lsa. At syempre dahil may sinusunod kaming patakaran. Nakapasa ako sa board at nakatapos siya ng kanyang masterial. Saka kami gumawa ng aming supling. Lalaki agad ang anak namin.

Linggo at wala akong pasok, nasa bahay ako at nagbabasa ng dyaryo habang naglalaro sa tabi ko si Eric. Nasa aming studyroom si Lalaine at nasa harap ng computer.

Narinig kong may pumaradang sasakyan sa harap ng gate namin.

” Kuya may bisita po kayo, nasa terrace,” Sabi ng kasambahay namin.

Nang bumungad ako sa terrace nakatingin sa akin ang bisita kong si Nida.

SUNDAN ANG PART 2…

SOULMATES

c.2023 Teddyray  All Rights Reserve

Report

What do you think?

4 Points
Upvote

Written by Teddyray

A poet, an engineer, a perfect gentleman. But a total idiot in LOVE.

3 Comments

Leave a Reply

Leave a Reply