in ,

PERSSE EMA 2

Chapter 2: Ang Pagkakabukod-bukod

Sa isang isolated na isla na kilala sa pangalang Persse Ema, may mga mamamayang tahimik at payapang namumuhay. Ngunit nagbago ang lahat nang dapuan ng malubhang sakit ang mga nakatira sa Persse Ema. Bago para sa mga mamamayan doon ang ganoong sakit kaya hindi nila alam ang kanilang gagawin.

Nagsama-sama ang mga babaylan ng bawat tribo upang gumawa ng lunas para sa sakit ng kanilang isla. May anim na tribo ang bumubuo sa isla Persse Ema. Ito ay ang mga tribo:

Sil-Ang, isang paunlad na tribo. Ang mga tao rito ay madiskarte lalo na sa pangangaso.

Yat-yagat – Ang pinakamayamang tribo at dalubhasa pagdating sa ekinomiya.

Mon-arka – isa rin sa mga mayayamang tribo. Dalubhasa rin sa pangangaso at pangingisda. Mortal na kaaway ng tribo Lih-buan.

Lih-buan – Ang pinaka aba sa lahat ng mga tribo. Sila ang nagsisimula ng gulo sa iba’t ibang tribo.

Al-sopon – pangalawa sa pinaka mayamang tribo. Dalubhasa sa pagsasaka.

Dam-as – Ikatlo sa pinaka mayamang tribo. Dalubhasa sa ekonomiya at pangingisda.

Pinadala ng bawat tribo ang kani kanilang babaylan upang pag-usapan ang kanilang gagawin upang malunasan ang sakit na kumakalat sa buong isla.

Dahil sa kanikanilang hangin, walang nangyari sa kanilang pagpupulong at nagkanya kanyang hanap ng lunas ang bawat babaylan.

Si Rama, 40, ang pinakadalubhasang babaylan sa buong isla mula sa tribo ng Yat-yagat,  ay nagsalita bago magsiuwi ang mga babaylan.

Rama: Kung hindi ninyo ibababa ang inyong sarili, mauubos ang ating lahi. Mapalad ang mga Proua na mabubuhay paglipas ng pagsubok na ito. Umuwi kayong may kapayapaan. Huwag niyong kalimutan ang inyong handog sa ating maylikha.

*Proua ang tawag sa mga taong nakatira sa isla Persse Ema

Pagtapos magsalita ni Rama, nagsiuwi na ang mga babaylan maliban kay Xenia, 37 na isa ring babaylan ng Yat-yagat at Moira, 18, ang pinakabatang babaylan na nagmula sa Sil-ang.

Pagsapit ng gabi, nagkanya-kanya ang mga tribo sa paghahandog sa kanilang maylikha upang mawala ang sakit sa kanilang isla.

Muren: Anong balita, Rama? Wala pa rin bang lunas sa sakit na ito?

*Si Muren, 40, ang pinuno ng tribo Yat-yagat.

Rama: Ipagpaumanhin ninyo, mahal na pinuno. Wala pa rin kaming nahahanap o nagagawang lunas sa ganitong sakit. Pero nakahanap ako, sa tulong ng mga babaylan na nagmula sa Sil-ang, ng magpapabagal sa pagkalat ng ganitong sakit.

Xenia: Maaari po tayong makagawa ng lunas mula roon.

Nakadiskubre sila Rama ng elemento na makakapagpabagal sa pagkalat ng sakit. Ito ay nagmula sa isang prutas na sa Sil-ang lamang tumutubo.

Vito: Nakausap ko na rin ang isa sa kanilang magsasaka na si Abin. Bukas ay pupunta siya rito na may dalang mga prutas at mga tuyong buto nito upang turuan tayong magtanim.

Muren: Hindi nagkamali ang mga ninuno natin sa pakikipagkasundo sa mga taga Sil-ang. Tunay na ang mga taga Sil-ang ay mabubuting tao.

Maraming araw, linggo at buwan ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang sakit sa kanilang isla. Marami na ring namatay na mga Proua, kasama ang asawa ni Muren na si Leila at ibang mga anak nito. Labis na nalungkot ang buong Yat-yagat at ang buong taga Sil-ang sa pagkamatay ni Leila at ng mga anak nila. Si Muray na lang ang natitirang anak ni Muren at Leila.

Dalawang taon ang lumipas, halos naubos na ang mga Proua sa isla. Ang ibang mga Proua at namatay at ang iba naman ay nagpunta sa iba’t ibang isla.

Lumipas pa ang isang taon, nawala na ang sakit sa isla. Naubos na rin ang mga Proua sa bawat tribo maliban sa Yat-yagat at Sil-ang.

Si Muren, Rama, Xenia at ilang mga bata ang natira sa tribo Yat-yagat.

Si Moira, ang batang babaylan, at ang kanyang pinsan na si Audyun, 19, ang natira sa tribo Sil-ang.

Muren: Ang tribo na lamang natin ang natitira sa islang ito.

Xenia: Paano ang mga umalis na Proua na galing sa ibang tribo?

Rama: May batas tayo. Ang sinomang pinuno ang matira sa islang ito ay siya ang magiging pinuno ng lahat ng taong titira rito sa isla natin.

Muren: Hinalughog na natin ang buong isla, ngunit wala tayong makitang buhay.

Si Mito, isang anak ng magsasaka, ay walong taong gulang. Lumapit ito kay Xenia at nanghingi ng pagkain.

Muren: Lumipat muna tayo sa maliit na isla na katabi ng ating isla. Doon muna tayo manirahan ng mga tatlong buwan. Paglipas ng tatlong buwan, bumalik tayo rito.

Rama: Mas mainam nga iyon, pinuno.

Lumikas sila Muren kasama si Rama, Xenia, ang batang si Mito at ang apat pang mga bata. upang tumungo sa katabing isla at doon nanirahan sa loob ng tatlong buwan.

Maraming taon ang lumipas, wala pa ring nakakabalik mula sa mga Proua na nagsilikas sa isla Persse Ema.

Ang tribo Yat-yagat ay napunta sa Isla Ibu Keparat. Ang tribo Dam-as naman ay sa Tsunowo napadpad. Sa Isla Mon-arka naman pumunta ang Tribo Mon-arka. Sila rin ang nagbigay ng pangalan sa islang ito. Napunta sa Isla Totnaketa ang Tribo Al-sopon. Ang Tribo Lih-buan naman ay sa Isla Nagubil nanirahan. Ang ibang Tribo Sil-ang ay nanirahan sa Isla Totnakyanan.

May mga ilang Proua ang nagkalat sa iba’t-ibang panig ng daigdig

Iyan ang dahilan kung bakit naubos ang mga tao sa isla Persse Ema.

Itutuloy…

Report

What do you think?

3 Points
Upvote

Written by Yurencourager

Leave a Reply