in

Goodbye, Mave – 06 Ending

maraming beses pa kaming umalis. kadalasan ay sa motel kami nagpupunta. nagplano rin kaming mag-overnight ngunit hindi matuloy-tuloy dahil sa busy sa trabaho. nagkakaroon na rin ng mga oras na ang tagal ng sumagot ni mave sa mga tawag at messages ko. iniisip ko na baka busy lang siya. may mga araw na rin na lumilipas na wala na akong ginawa kung hindi mag antay ng mga messages ni mave. literal na kung ako ang mag-memessage, ilang oras bago siya sumagot. ngunit pag siya ang may message, hindi umaabot ng 5 seconds ay may sagot ako agad.

isang umaga, nakatanggap ako ng message mula kay mave. “kita tayo mamaya. sunduin mo ako. alis tayo.” di ako magkanda-ugaga sa mga oras na yun. gustong gusto ko ng hilahin ang oras para makita at makaalis na kami uli ni mave. hindi ko alam na ito na pala ang huli naming pagkikita.

alas-5, uwian na. nagkita kami ni mave sa parking lot. wala akong tinanong o sinumbat sa kanya. masaya lang ako na makita siya. “saan mo gustong pumunta?” ang bungad ko kay mave. “dito na lang tayo. gusto ko lang sana magpaalam sa yo.”

para akong binuhusan ng malamig na yelo sa mga sinabi ni mave. hindi ko alam kung saan ako nagkamali. kung meron ba akong nagawa o hindi nagawa. bakit parang hindi ako updated?

“makinig kang mabuti sa akin. ikaw lang ang tao na nagparamdam sa akin na ako ay mahalaga. ramdam ko kung paano mo ako minahal. at ramdam ko na handa mong gawin ang lahat para sa akin.”

dito nagsimulang tumulo ang luha ko. natatakot ako sa mga susunod na sasabihin ni mave.

“sorry kung sa mga panahon na nagmemessage ka ay hindi ako nakakasagot. hindi ko rin sinasagot ang mga tawag mo. yung mga panahon na yun kasi ay kasama ko siya.”

“sinong siya?”

“yung ex ko. kaso nagkausap kami at nangakong magpapakatino na. kinausap din ako ng mga magulang niya. ako lang daw ang nagpatino sa kanilang anak. kaya nakiusap sila na sana ay mabigyan ko uli ng pagkakataon ang kanilang anak.”

mas lalo akong natulala sa mga sinabi niyang iyon.

“hindi ko kaya na ikaw ay lokohin. hindi mo ako deserve. napakabait mo. ayaw ko naman na habang nagse-sex tayo ay pinagsawaan na ako ng iba. ayaw ko rin na habang nag-e-enjoy tayo ay may iba ring gumagamit sa akin.”

“napakagandang alaala mo sa aking buhay. i will cherish everything. pero this time, naisip ko na bigyan na lang ng pagkakataon ang bf ko tulad ng pakiusap ng mga magulang niya sa akin. alam kong kaya mong maging maayos kahit wala ako. ngunit siya ay hindi at kailangan niya ako. kung ano ang kahihinatnan namin, ako na ang may kargo noon. hoping na maging maayos siya dahil sa akin.”

“lagi mong iingatan ang sarili mo ha. makakahanap ka rin ng para sa yo. mabuting kang tao. hindi ka mahirap mahalin. mas kailangan ko lang balikan ang taong matagal kong ng minamahal.”

hindi na nagsalita si mave. bumaba na ng sasakyan at naglakad palayo. lumuluha.

masakit para pakawalan si mave. sinuswerte ako nung naging andito siya sa akin. pero mas pinili kong mahalin siya at pakawalan para sa taong mas mahal niya. in the first place, never naman niya akong sinabihan na mahal niya ako.

sana maging ok ka mave. mahal kita sobra.

Goodbye, Mave..

Report

What do you think?

2 Points
Upvote

Written by sinuwerte1976

Enjoy my stories.
Most of them are real life events.
I just want to share how lucky I am with this experiences.

One Comment

Leave a Reply

Leave a Reply