Fom Part 11
Paglabas ko ng gate matapos ihatid sina Sam at Misis, naisipan kong huwag muna bumalik sa hotel na tinitirhan namin.
Nagpark ako sa di kalayuan mula sa gate ng resort. Tahimik ang lugar na ito at halos walang dumadaan, pero ito ang daan papunta kina Manong, kung saan tumitira si Koko.
Naisip kong maghintay muna rito hanggang dumilim. Baka sakaling makakita ako ng daan sa gilid para makapasok sa loob.
Dumilim na nga, pero na-realize ko na mahirap pala lalo na’t hindi ko kabisado ang lugar. Mabuti sana kung nandito si Koko. Dahil dito, nagpasya akong umalis na lang at bumalik sa hotel.
Paandarin ko na sana ang sasakyan nang biglang may makita akong ilaw mula sa gate ng resort. Tumigil ako at naghintay para makita kung sino ang lalabas.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang sasakyan, umaasang maaninag kung sino ang mga sakay. Mabagal ang takbo nito kaya nakita ko ang tatlong tao sa loob—dalawang lalaki at isang babae. Yung babae, ang porma niya ay parang kay Misis, pero hindi ko lang maaninag nang malinaw ang mukha.
Nagtaka ako. Kung si Misis nga iyon, nasaan si Sam?
Habang hindi pa lumalayo ang sasakyan, nagdesisyon akong sundan ito. Pero bago umalis, nagchat muna ako kay Sam.
Sinubukan kong mag-message sa Instagram niya. Mas gusto ko kasing gamitin ang Instagram dahil mas malinaw ang mga pictures kung sakaling mag-reply siya.
“Hi Sam, kumusta na kayo diyan?” tanong ko.
Sam: “Uhmmm well, okay lang naman ako dito,” maikli niyang sagot.
“How about si Thea, nandiyan ba siya?”
Sam: “Uhmmm… wala eh…”
Naguluhan ako sa sagot niya. Bakit sila naghiwalay ng grupo? Di kaya si Misis nga ang sakay ng sinusundan kong sasakyan?
Tinawagan ko si Sam para tanungin. “Hello Sam, bakit hindi kayo magkasama? Nasaan si Thea?”
Sam: “Uhmmm… lumabas sila eh… Mamaya ka na lang tumawag, medyo maingay kasi dito, k?”
Naputol ang usapan namin. Hindi ako nakuntento, kaya naisip kong tawagan si Misis para tanungin kung nasaan siya.
This time, sinagot ni Misis ang tawag. Mabuti at hindi niya iniwan ang phone niya, hindi tulad noong nakaraan.
Misis: “Hi hon, napatawag ka yata?”
“Oo hon, nasaan ka ba ngayon? Magkasama ba kayo ni Sam?”
Misis: “Uhmmm… hehehe… yups, nandito kami sa resort.”
“Ha? Kung ganoon, nasaan ka ngayon?” tanong ko, nagtataka kasi ako dahil hindi tugma ang kanilang mga sagot.
Na-realize ko dito na nagsisinungaling si Misis dahil sabi ni Sam, hindi sila magkasama.
Misis: “Uhmmm… mukha yatang lowbat na ako, hon. Baka biglang mag-turn off ang phone ko. Nakalimutan ko palang i-charge kanina.”
“Sige, sige. Chat mo na lang ako kung nasaan ka ngayon,” maikli kong sagot.
Bago pa tuluyang matapos ang usapan namin, may narinig akong boses ng lalaki na nagsalita.
“Di ba sabi ko, huwag gumamit ng phone?”
“Ay! Hehehe… sandali lang ito, boss,” sagot naman ni Misis, medyo mataas ang boses. Biglang naputol ang tawag.
Kinabahan ako sa narinig ko, pero wala akong magawa sa ngayon kundi maghintay.
Binalik ko ang atensyon ko sa sinusundan kong sasakyan. Hindi ako masyadong lumapit para hindi nila mahalata.
Napansin kong bumagal ang takbo nila at lumiko sa isang makitid na daan. Ang daan na iyon ay parang under construction pa. Nasa malapit lang ito sa hotel namin.
Isang sasakyan lang ang kasya sa daan na iyon, kaya naisip ko, imbes na sundan sila gamit ang kotse, bumalik na lang ako sa hotel. Doon ako magpa-park at maglalakad pabalik para masundan sila nang hindi mahalata.
Habang naglalakad ako sa makipot at madilim na daan, tahimik ang paligid pero naririnig ko na ang konting ingay.
Sa tantiya ko, boses ito ng mga lalaking nag-uusap. Tumigil ako at nagmasid.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang isang lugar na overlooking ang city. Maliit lang ang area, pero magandang spot ito para mag-picnic o tayuan ng cottage. Sa harapan nito, makikita ang buong siyudad.
Ang lugar ay parang Tagaytay—overlooking ang view at sa unahan nito ay may bangin.
Naghanap ako ng magandang pwesto para makapagtago. Ang pinakamagandang spot na nakita ko ay malapit sa kung saan nakapark ang kotse na sanasakyan nila.
Habang nandoon nako ako naka upo na napapalibutan ng mga palumpong, napagmasdan kong wala kabahay-bahay sa malapit O di kaya’y cottage man lang.
Kaya nagtataka ako kung bakit sila nagpunta sa lugar na ito. Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga boses nila, at saktong-sakto dahil papunta ito sa sasakyan.
Hanggang sa makalapit na ang mga ito sa pinagpupwestuhan ko, at doon talaga ako na shock dahil maliban pa sa boses ay kitang-kita ko na ang babaeng nandoon ay si Misis.
Inaakbayan pa siya ni ng DOM na si Roi, habang nasa isang tabi naman niya ang sugar daddy ni Sam.
Ang ipinagtataka ko ay bakit wala doon si Sam, at si Misis lamang ang isinama nila sa tahimik at walang katao-taong lugar na iyon?
Napaisip tuloy ako, “ano kaya ang pina plano ng mga ito kay Misis…”
To be continued….