Book Cover
in

Sulat part 3

Malaman ko na lang na ipinadala ng aking workmates ang pangalan ko at number sa Remate textmate page ng may mag send sakin ng message at nagpakilala sabay Sabi na nabasa nya ito sa tabloid. Naikwento ko ito sa aking mga kasama sa opisina at dun cla nagtapat na cla nga ang may pakulo nito.

Hindi ko cla masisisi, sa edad ko na 26 ng gawin nila ito ay wala pa akong asawa at naiinip na daw cla sa kahihintay. Hahaha, may karapatan pala clang mainip.

Mag meet up kami ni Lino sa isang mall dito sa Pampanga pagkatapos ng ilang buwang pagpapalitan ng messages. Hindi na ako nabigla ng magkita kami dahil nagsabi naman cya ng kanyang hitsura at pagkakakilanlan.

Napunta sa isang seryosong relasyon ang aming pagkakaibigan hanggang umabot sa kasalanan.

Bakit umabot ako sa ganong edad bago mag asawa?

Ako ay galing sa isang pamilyang relihiyoso. Parehong malapit sa simbahan ang aking mga magulang. Nag aral ako sa st scholastica academy na isang private school for girls dati. Nahubog ako sa isang buhay na tahimik at makaluma. Bawal mag boyfriend hanggat di makatapos sa pag aaral, bawal magpaabot ng sobrang disoras ng Gabi sa labas, at Kung ano ano pang ka istriktuhan.

.

Report

What do you think?

1 Point
Upvote
Contributor

Written by SweatG

Loving wife, reluctant, just, but hot within...

Story MakerContent Author

Leave a Reply