Mr. Trader: Part One: The Deal
in

Mr. Trader: Part Five: Soju Nights 1

Mr. Trader: Part Five: Soju Nights 1

“Good Afternoon, is this Ms. Bee Santos?”
“Yes, who is this please?”
“This is Atty. Rozas from BPI. We’ve been trying to contact you for the past weeks but there seems to be a problem with your line. Ma’am we are afraid we need your payment for the loan that you had with us immediately. Otherwise we have no choice but to sequester your property as soon as possible.”

Parang tumigil ang mundo ni Bee nung narinig ang sinabi ng abogado.”Oo nga pala, mag iisang taon na din akong di nakakabayad..” Hindi nya na halos naintindihan ang mga sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Ang nasa isip nya na lang ay kung anong gagawin para makabayad sa napakalaki niyang utang.

“Ms Santos, are you still with me?” tanong nito na pumutol ng pag iisip nya.
“Uh.. yes, still here. Magkano ang kailangan kong bayaran and hanggang kelan?”
“Until next week Miss, since nasa 1.3 million na ang loan nyo with interests for the past 12 months, mga 500k to 750k ang needed para mabawasan ang principal loan.”
“Tangina, kalahatin milyon sa isang linggo? Gago ka ba??” muntik ng masigawan ni Bee ang kausap.
“Ma’am you agreed with our policies. You signed the contact. Paki make sure na lang po kung ayaw nyong mawalan ng ancestral house. Have a good day.” at binaba na nito ang telepono.

Mangiyak ngiyak na naman ang dalaga. “Napaka swerte ko naman talaga..” humihikbing sabi niya sa sarili. “Grabe ang dami kong pera.. hahaha!” parang nababaliw :D. Naisipan nyang magtanong tanong na sa mga kaibigan, kahit paunti unti lang para makabawas tapos mang hihiram na lang siya ng pera sa iba. Tinignan nya ang mga online friends nya sa chat ngunit pawang lahat ay nasa bakasyon (imagine May ang month). Napagdesisyonan nyang magluto ng hapunan pero sadyang wala syang ganang kumain.

“Aba, bat may red horse pa dito?” nagtatakang tanong nya. Oo nga pala, naiwan to nung mga kaibigan nya nung naginum sila nung nakaraan. “Sayang naman, lasingin ko na lang kaya sarili ko? Hahaha!” Binuksan nya ang isang mucho at kumuha ng chips sa counter. Medyo pagabi na din kasi nun. Nagbukas sya ng TV pero wala naman syang mapanood na maganda. “Makapag online na nga lang” at nag log in sya sa kanyang account. Browse browse at nakita nya nag ilang mga kaibigang masayang nag o outing. “Buti pa sila..” sabi niya habang umiinum at tumitingin sa masasayang larawan nila. Dire direcho lang ang lagok nya sa alak. Hindi man sanay uminum ng marami ay kampante si Bee dahil mag isa lang naman sya at nasa bahay lang. Tanging maluwag na white shirt ang suot nya. Sanay kasi sya sa ganun pag nasa bahay lang.

Medyo nahihilo na sya ng mapansing ubos na ang isang bote ng mucho. “Teka, isa pa! Sayang ang alak! Ito na nga lang karamay ko eh” at dahan dahan syang tumayo upang kunin ang isang bote pa sa ref. Pagka bukas nito ay bumalik sya sa mesa at napansin nyang may nag email sa kanya. Binuksan nya ito at nalaman na galing ito sa photo sharing site na sinubukan nya dati.

“One new message from *****”. Nag log in sa kanyang account ang dalaga.

“Miss need mu pa ng pera? Pwedeng makipag kaibigan?” sabi ng private message
“Sino na naman to???” tinignan niya ang account ng lalaki. Mukhang corporate person pero halatang may edad na. “Parang DOM naman to, hahaha! Seen!” Natatawang sabi ng dalaga. Tinignan nya ang kanyang account at nakitang marami na pala ang nag view dito. Marami na ring ibang mga private messages na di nya pa nababasa.

“Ay! Nakalimutan ko pa lang idelete yung account ko, patay ako kay Mokong nito!” nasabi niya ng makita nya ang pangalan ni Lem sa kanyang inbox. Bigla niya tuloy itong naisip. “Kamusta na kaya yung Mokong na yun? Wala na namang paramdam halos six months na din ah..” Kinuha ni Bee ang cellphone nya at tinignan kung nandun pa yung text ni Lem nung una silang nagkita. “Buti di ko dinelete haha!” Dahil siguro sa alak ay lumakas ang loob nya. Tinawagan nya ito.

Naka ilang ring na ay di pa rin sinasagot ni Lem ang tawag. Medyo naiinip na ang dalaga at ibababa nya na dapat ang tawag ng bigla itong sumagot.

“Hello?” sagot ng binata sa kabilang linya.
“Hi Mr. Trader. Kamusta?” si Bee.
“Bee? Sexy Bee? Napatawag ka”
“Loko ka, pagtapos mung gawin sakin yun iiwan mu lang ako ng walang paramdam!” kunwaring pagtataray ng dalaga. Namis nya kahit ang boses nito.
“Look, I’m driving. Kakauwi ko lang galing airport. Nasa Australia ako for the past four months. May sasabihin ka pa ba?”
“Ay, sorry Sir! Sige ingat!”
“Hindi, I’ve been wanting to call or message you pero busy talaga. Kamusta ka?”
“Akala ko ba nagddrive ka?”
“Pinasa ko na sa driver ko.”
“Wow ah, may pa driver at service si Mayor, hahaha! Oo nga pala mayaman ka pala, haha!”
“Enough with this, may problema ba?” naging seryoso ang tono ni Lem.
“May kalahating milyon ka ba dyan? Oh kahit 750k na para di na ko uutang sa iba..”
“Para saan?”
“Loan sa bangko, para sa bahay ng parents ko.. Lem di ko kakayaning mawala sa kin to..” nangigilid na luhang sabi nya. Di sadyang natabig nya ang baso ng alak at natapon to sa sahig,
“Shhhht! Sayang yung red horse! Teka ha punasan ko lang” saglit na nawala sa linya si Bee.
“Teka, lasing ka ba? Umiinom ka?” halata ang pag aalala sa boses ng binata.
“Hindi naman hehe! Nahilo lang ng konti.. Nasan ka ba? Inom tayo! Sagot ko na! Kaso cheap lang na alak to? Baka magka allergy ka? Hahaha!” natatawang sagot ng dalaga. Sa totoo lang ay lasing na sya gawa ng dalawang mucho ng red horse na nainom nya.
“Hintayin mo ako dyan, malapit na ko..” at binaba na nito ang telepono.
“Lem! Lokong Mokong to! Hooy!” sigaw ni Bee sa linya pero wala na ito. Dahil sa kalasingan ay nakatulog sa sofa si Bee. Ilang minuto lang ay nagising syang may bumubuhat sa kanya papunta sa kwarto nya.
“Shhhht Lem!” muntik na syang mahulog. Nawala ang lasing nya.

“Ano ka ba, lasing ka pero bukas na bukas yung bahay mu. Pano kung rapist ako? Magnanakaw?” may diing sabi ng binata. Napatingin si Bee sa kanya. “Bat ang sungit mu? Di ko naman sinabing pumunta ka dito!” Napansin ni Lem ang suot ng dalaga. Kita ang mga hita nito at underwear dahil naka puting tshirt lang ito. “Magbihis ka, mare rape ka dyan sa suot mung yan.” at tumalikod na ito palabas ng kwarto. “May yogurt at fruits ka pala, nasa mesa mu. Tatawagan kita bukas. Matulog ka na..” at lumabas na nga ng tuluyan ang binata. “Hoy! Ilock mu yung pinto ko Mokong ka!” sigaw ng dalaga at nagbato ng unan. “Salamat din pala..” mahinang bulong nito bago tuluyang nakatulog..

Masakit ang ulo ni Bee pag gising kinabukasan. “Uuugh sakit ng ulo ko.. Aba totoo nga sinabi ni Mokong!” Nakita nya ang isang plastic ng fruits at yogurt sa mesa. “Loko talaga yun.. pero shhhht nakakahiya yata ako..” Kinuha niya ang phone at nagtext sa binata. “Thank you Mr. Trader. Sorry last night. :(” Maya maya ay sumagot ito. “Inappropriate behaviors Ms. Santos. I’ll pick you up 7 PM, Friday night. Let’s talk about your loan. For the meantime, rest ka muna at madami din akong trabaho.” “Friday.. so apat na araw pa?” Shhhht teka bat bigla ko syang namis? Ay ewan!” Nireply an nya ang binata ng “See you Friday, Sir..” at binaba ang telepono. Kailangan nyang mag online dahil ilang minuto na lang ay oras na para sa online English tutorials nya na nakuha niya bilang part time work. Kahit napaka liit ng nakukuha nyang pera dito ay pinag chagaan nya na lang para magka pera kahit paano.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Nagulat na lang si Bee ng matanggap ang text message ni Lem ng hapong yun.

“Bee, on the way na ko. Get ready.”
“Fuuuck! Friday na ba? Shhhht! Oo nga pala!” Nagmamadaling naligo ang dalaga. Kahit nagmamadali ay di nya naiwasang makaramdam ng init habang sinasabon ang katawan nya. “Naku kasama ko na naman sya.. Baka may mangyari na naman..” Inalis nya ito sa isip nya at dali daling nagbihis. Isang simpleng white dress na above the knee ang pinili nya at black cardigan. “Nakakahiya baka sa hotel kami mag dinner hahaha ambisyosa!” Simpleng simple ang ichura ni Bee at sinigurado nyang presentable pa din sya. Ilang minuto lang ay tumawag ang binata sa kanya.

“Nandito na ko sa baba. Ready ka na?”
“Ay oo, baba na ko.”

Nagulat si Bee ng makitang isang taxi ang nakaparada sa baba.
“Naka taxi ka?? Nasan kotse mu?” gulat na bulalas nito sa binata.
“Coding eh, nasa corporate pa yung tatlo. Nasa casa yung dalawa. Halika na..” Binuksan nito ang pinto at pinasakay sya.
“Hahahaha! Loko ka! Ang yaman yaman mu tas nagta taxi ka??” Tawang tawa si Bee sa binata.
“Oy Uber to!” halatadong naiinis na si Lem.
“Sir okay na po? BF na tayo?” si Manong Driver
“Yes Manong, along Aguirre St. po tayo. Sabihin ko na lang kung saan.”
“BF Homes, Paranaque? Magkano babayaran mu nun kung galing tayo dito sa Calamba?”
“Mura lang, libre na kita.” at ngumiti si Lem bago kunin ang iPad at binuksan ito.
“Ang dami namang numbers nyan! Di ka ba nahihilo dyan?” nakasilip na tanong ni Bee.
“Eto ang pera ko Bee. Mahirap iexplain dito pero mamaya iku kwento ko sa yo.” Nagsimula ng mag type ang binata pero di pa rin matigil ang mga tanong ni Bee.
“Pano nagiging pera yan eh puro numbers lang yan eh?? Baka naman scam yan? Huy baka ilegal yan? Sigurado ka bang —-”
Nagulat na lang si Bee ng bigla syang halikan ni Lem.
“Quiet. I’m working.” at bumalik ito sa kanyang iPad.
Natahimik ang dalaga. Ramdam nya ang pamumula ng kanyang mukha. Tahimik ang paligid hanggang nakarating na sila ng BF Homes.


“Manong dito na lang po sa tabi. Dyan sa Big Mama Chicken and Beer.” (legit to guys, dito talaga kami pumunta 😉 )

“Korean to? Anong kakainin natin dito?” Nagtatakang tanong ni Bee. Humawak sya sa braso ng binata.
“Don’t worry di kita lalasunin. Kakain lang tayo tapos since naglasing ka nung Lunes, may ipapatikim ako sa’yo dito.” Pumasok ang dalawa sa restaurant at naupo. Walang alam sa Korean food si Bee kaya hinayaan nya na lang ang binatang pumili.
“Teka Lem kaya ba natin to? Ang dami yata?” si Bee.
“Basta kumain ka na lang..” Inasikaso sya nito mula sa pag ggrill at pag mix ng sauces. Di marunong mag chopsticks si Bee kaya sinusubuan sya nito (di talaga ako marunong hahaha pero nope di nya sinusubuan :P).

“Ready ka na ba?” tanong ni Lem sa dalaga.
“Ready saan? Nakakatakot ka naman..”
Tinawag ni Lem ang waiter at nag order ng soju.
“Ano to? Soju?” Nagtatakang tinignan ni Bee ang bote.
“Tikman mu..” Binigyan sya nito ng maliit na shot glass at nagsalin ng konti.
“Eeeeek! Ang tapang! Parang gin!” si Bee.
Natatawang kinuha ni Lem ang baso nya. “Dahan dahan kasi Bee, hahaha! Maaga pa, relax ka lang!” Sinalinan na din ni Lem ang sariling baso at uminum ng konti. “Mahaba pa ang gabi..”


“So magkano uli yung kailangan mu?” tanong nya sa dalaga.
“Kalahating milyon po, kung pwedeng 750k yun na lang, sasagarin ko na..” si Bee
Nag init ang katawan ni Lem sa sinabi ni Bee. “Sasagarin.. katulad ng ginawa ko sa yo sa hotel?” Bulong nito sa dalaga. Natigilan si Bee sa narinig.
“Loko ka!” sabay hampas sa braso ni Lem. “Pagsasamantalahan mu na naman ako!”
“Hahaha gusto mu naman eh!”
“Sira! Ano na nga?”
“Sige 750k, isend ko na lang sa bank account mu.”
“Yehey! Salamat talaga!” at napahalik si Bee sa binata sa sobrang tuwa.
“Haha basta babayaran mu ha? Sige inom pa tayo!” Tinaas ni Lem ang baso at nag offer ng toast sa dalaga.
“Ubos na sa’kin?!” Medyo lasing na ang dalaga kaya kumukulit na. “Isang bote pa Lem, ang hina mu naman ano ba yaaan!” Napapayakap na ang dalaga sa kanya habang masaya silang nagkkwentuhan. Inaakbayan na din sya nito.
“Sigurado kang kaya mu pa? Baka wala ng uber nito dito haha!”
“Oo naman, wala ka yatang bilib sa kin eh!” si Bee. Pero sa totoo lang ay lasing na talaga siya. Ilang beses na syang sumuka sa CR pero pagbalik kay Lem ay nae engganyo pa din syang uminum. “Kaya pa yan!”
Tuloy ang inuman ng dalawa. Tawanan at kwentuhan. Kahit hilong hilo na ay pinipilit ni Bee na pakinggan si Lem. Nagulat na lang ang binata ng biglang bumagsak ang ulo nito sa balikat nya. Bagsak. Tulog!

“Patay tayo dyan.. Bee.. uuy halika uwi na tayo.” Nagbayad ng bill ang binata at naghanap ng mabo book na uber pero wala na syang ma book. Inakay nya ang dalaga sa labas at saktong may dumaang tricycle.
“Sa labasan boss.” Tulog na tulog na ang dalaga sa byahe. Pagdating sa labasan ay mabilis na napaisip si Lem. Inakay nya ang dalaga pasakay ng jeep at pumara sa isang sikat na bar and grill. Dahil kailangan pa nilang lumakad ng konti dahil tago ang lugar na pupuntahan nila ay nagising si Bee.

Nasa lobby na sila ng motel ng mapansin ni Bee na di sya pamilyar sa lugar na yon.
“Lem, nasan tayo? Nasan tayo?” parang batang tanong ng dalaga. Nakahawak ito sa braso ni Lem habang nag aantay ng kwarto.
“Shhhh..” Inakay siya ni Lem paakyat sa kwarto. Pagpasok ay direchong humiga na si Bee sa kama. Si Lem na ang nagtanggal ng sandals at cardigan nya.
“Lem.. nasan ka? Lem wag mu akong iiwan..” bulong ng dalaga. Nakatingin lang si Lem sa kanya at nasa kabilang gilid ng kama.
“Lem.. Lem please, halika dito. Wag mu kong iiwan, please..” Pilit inaabot ni Bee ang kamay ni Lem. Paulit ulit din sya sa sinasabi dito na wag syang iiwan.
“Oo Bee.. di kita iiwan..”

To be continued..

Report

What do you think?

2 Points
Upvote
Contributor

Written by sexysultrygirl

Story MakerContent AuthorYears Of Membership

Leave a Reply