Init
in

Init IV

“Anak ng pateteng. Di kasi

nagising ng maaga. Late na

naman ako nito. Pihadong

masama na naman ang tingin sa

aking ni bossing nito” sa isip ko

lang.

Pasado alas-nuwebe na at nasa

bus pa rin ako. Napasarap ang

tulog ko. Di ko na kailangan isipin

kung anong dahilan bakit

masarap ang tulog ko.

“Mabel…” bulong ko sa sarili.

Nanariwa sa aking alaala ang

nangyari sa amin kahapon…

kagabi… Pagkatapos, naghiwalay

lang kami ng basta-basta. Di man

lang napagusapan kung ano ang

namagitan sa aming dalawa.

Naputol ang aking pagmumuni-

muni ng…

“Ayala – Herrera na. Susunod na

hinto sa may Glorietta na” sigaw

ng konduktor.

Tumayo na ako at bumaba sa

bus. Nagsimula na akong tumakbo

papuntang opisina.

“Anak…. haaaa…. ng…. hhhaaa….

jueteng….” nagmumura ako

habang tumatakbot hinihingal.

“Baka masisanti na ako nito.

Madalas na lang akong late” sa

wari-wari ko.

Nakarating ako sa building na

kung saan nandun ang opisina

namin. Pawisan akong pumasok

sa elevator sabay pindot sa

“Close”. Pinindot ko ang “23”.

“Syet! Sana wala pa si bossing.”

Bumukas ang pintuan ng

elevator at lumabas ako kaagad.

Pagpasok sa pintuan ng opisina,

nakasalubong ko si Mabel.

“Hi Jun. Wag kang magalala. Wala

pa si Sir Greg”.

Si Boss Greg, ang bossing namin.

Na animo mabangis na tigre kung

makatingin kapag nahuli ka

nyang late pumapasok.

“Ah talaga… haaayyyy salamat!”

nakangiting tugon ko kay Mabel.

“Hmmm, pawis na pawis ka na

naman ah. Baka gusto mong

magtanggal ng polo” sabay

kindat na wika ni Mabel.

Ngumiti lang ako. At least ok pa

rin kami ni Mabel. Akala ko

magkakahiyaan kami, pagkatapos

ng mga pangyayari kahapon.

“O sige Jun, catch you later. May

aasikasuhin pa ako”.

“Ha, eh sige. Later, Mabel”

Pagkaupong-pagkaupo ko pa

lang sa aking cubicle, nagsimula

na ang kantiyawan ng mga

kaopisina ko.

“Jun, late ka na naman. Ano ka

ba hijo? San ka ba nagpupunta

pag gabi at lagi kang puyat”

kantiyaw ni Faye na nakapwesto

sa kanan ng cubicle ko.

“Siguro nag-beerhouse ka no.

Magyaya ka naman pre. Isama

mo naman kami” dagdag ni James

“Tol, sa mga patay-sindi ka ba

nagpupunta? Sama mo naman

ako.” nangungulit na si Vince.

“Mga gungong, napahaba lang

ang tulog ko kaya late ako”

sagot ko sa kanila.

“Sus, if I know, mula ng single ka

ulit malamang nagpapakalasing

ka gabi-gabi” tuloy na pagbibiro

ni Faye.

Tawanan sila. Nakitawa rin ako.

“Di no, napahimbing lang tulog.

Atsaka yung kay Lorna, ok na

ako. Over na ako dun” sabi ko.

Over na nga ba ako? Alam kong

nami-miss ko pa rin sya. Nami-

miss ko ba sya o yung mga

pinagagagawa namin? Di ko

masagot ang tanong kong iyon

sa sarili.

“Pero seriously Jun, its good na

ok ka na. Nung kaka-break nyo

lang ni Miss Chinatown eh para

kang walang kabuhay-buhay.”

sabi ni Faye.

Sumangayon sina James and

Vince. “Oo nga tol. At least di ka

na mukhang namatayan”.

Nangiti ako sa mga sinabi nila.

Mga kaibigan ko ang 3 ito. Di lang

kaopisina o katrabaho ang turing

ko sa kanila. Matagal na rin ang

samahan namin. Nagsimula kami

sa isang kumpanya 4 years ago

tapos ng mag-resign ako,

nagsunuran sila sa akin dito. Yun

ang pact namin nun sa lumang

company namin. Nag-bonding

talaga kami. Usapan namin, kung

nasaan ang isa, nandun ang

lahat. Nagsimula na kaming

magtrabaho. Rinig na rinig ko ang

mga katakak ng mga keyboards

nila. Ako? Nakatingin lang sa

monitor. Ang wallpaper ko kasi

ay picture ni Lorna.

“Mas mainam siguro na palitan ko

na ito” sabi ko sa sarili.

Kaunting galaw at pindot sa

mouse, pinalitan ko ang

wallpaper ng isang abstract na

background.

“Kung kami talaga ni Lorna,

magkakabalikan at

magkakabalikan din kami” bulong

ko.

Pagkatapos nun, nagsimula na

akong magtrabaho. Mga

software developers kami.

Gumagawa kami ng proprietary

applications na ginagamit ng

kumpanya namin internally.

Lumipas ang mga oras at mag-a-

alas dose na.

“Vince, gutom ka na ba?” tanong

ni James.

“Oo, tara labas na tayo” yaya ni

Vince. “Faye san tayo kakain?”

tanong nito

“Parang gusto ko ng sisig” sabi ni

Faye. “Enterprise na lang”.

“O sige. Jun, halika na” sabi ni

James.

Sumagot ako ng “okidoki” at

tumayo. Sabay-sabay kaming

pumunta sa Enterprise. The usual

ang nangyari over lunch. Kainan,

tawanan, kuwentuhan. Masaya

kami pag magkakasaman kaming

apat.

Pagkatapos kumain, balik kami

ulit sa opisina. Nabalitaan namin

sa isa naming kaopisina na di

papasok si Boss Greg.

“Mga gungong, napahaba lang

ang tulog ko kaya late ako”

sagot ko sa kanila.

“Sus, if I know, mula ng single ka

ulit malamang nagpapakalasing

ka gabi-gabi” tuloy na pagbibiro

ni Faye.

Tawanan sila. Nakitawa rin ako.

“Di no, napahimbing lang tulog.

Atsaka yung kay Lorna, ok na

ako. Over na ako dun” sabi ko.

Over na nga ba ako? Alam kong

nami-miss ko pa rin sya. Nami-

miss ko ba sya o yung mga

pinagagagawa namin? Di ko

masagot ang tanong kong iyon

sa sarili.

“Pero seriously Jun, its good na

ok ka na. Nung kaka-break nyo

lang ni Miss Chinatown eh para

kang walang kabuhay-buhay.”

sabi ni Faye.

Sumangayon sina James and

Vince. “Oo nga tol. At least di ka

na mukhang namatayan”.

Nangiti ako sa mga sinabi nila.

Mga kaibigan ko ang 3 ito. Di lang

kaopisina o katrabaho ang turing

ko sa kanila. Matagal na rin ang

samahan namin. Nagsimula kami

sa isang kumpanya 4 years ago

tapos ng mag-resign ako,

nagsunuran sila sa akin dito. Yun

ang pact namin nun sa lumang

company namin. Nag-bonding

talaga kami. Usapan namin, kung

nasaan ang isa, nandun ang

lahat. Nagsimula na kaming

magtrabaho. …

Report

What do you think?

2 Points
Upvote

Written by RenoPost

Im sharing ng mga sex stories galing sa iba't-ibang website, mostly old stories na mahirap makita.

Credits to all legendary authors out there!

Add me or PM me guys kung may katanungan..

Leave a Reply