Disclaimer: Amateur writer here so I know there still a lot to improve.
Paalala: Ang kwentong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong Imahinasyon ng may akda. Ang pangalan ng mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung kung may pakakahintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.
Chapter 11
Lampas dalawang linggo na din nung nagpunta silang buong pamilya sa States para dun muna manirahan habang sinisiguro na mahuli muna ang pangkat nina Fred bago sila bumalik. Lagi din sila kumukuha ng update sa mga tauhan niya tungkol sa pangkat nina Fred. Naghinala na din sila kung nabuntis nga ba si Tala ni Macario.
Kaya dahil dun ay bumili sila ng PT kit para makita kung nagdadalang tao na nga si Tala. Andun naman silang lahat, maliban kina Amihan at Diwata.
Nung una ay ayaw ni Tala na gumamit ngunit napapayag siya ni Trisha na gumamit nun. Takot na takot si Tala habang naghihintay ng resulta. Dahil ayaw pa niya magbuntis at ayaw niya magkaanak kay Macario.
“Tala, relax lang diyan. Sandali lang at malalaman na natin kung nagdadalang tao ka na nga talaga.” Ang pagpapakalma ni Trisha sa kapatid.
“Ate, natatakot ako. Baka buntis ako at ayoko magkaanak sa kanya. Sana negative.” Ang sabi ni Tala na may halong takot.
“Kumalma ka lang muna, Tala. Alamin muna natin kung totoo ba talaga yan o hindi. At magdasal ka na negative ang resulta.” Ang sabi ni Trisha.
Mga ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang dalawang linya. Dalawa ng PT Kit ang ginamit nila para masigurado, ngunit parehas naman na positive ang resulta.
Napaupo naman si Tala ng lumabas ang resulta at nagsimula siyang umiyak at nagsisigaw. Hindi niya matanggap na nabuntis nga siya ni Macario.
“No, hindi to maaari. Ayaw ko pa magkaanak at ayoko magkaanak sa kanya. Ayoko. Huhuhu!!!” Ang iyak ni Tala ng malamang buntis siya.
Susuntukin naman sana niya ang tiyan niya ngunit nakita siya agad ng ate niya at hinawakan ang kamay niya at niyakap niya ito. Sinimulan niya eto patahanin.
“Oh my Gush!! Tala, kapatid ko. No, don’t do it. Makakasama iyan sa anak mo.” Ang sabi ni Trisha sabay yakap sa kanya.
“Pero te, i don’t want this baby. Ayaw ko magkaanak sa kanya. Ipapalaglag ko to. Hindi to maaari.” Ang lakas loob niyang sinabi.
Hindi nagustuhan ni Lucio ang narinig niya kay Tala. Kaya pinagsabihan niya eto.
“Subukan mo ipalaglag iyan dinadala mo. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo. Huwag na matigas ang ulo mo. Alagaan mo iyan at palakihin mabuti. Gusto ko mahalin mo siya ng buing buo. Pakakasalan ka ni Macario kaya wala problema sa pagpapalaki sa bata.” Ang pahayag ni lucio.
Hindi umimik si Tala ng marinig niya ang sinabi ng dad niya. Wala din siya magagawa kundi makinig nalang sa daddy niya. Kahit magpumilit siya ay wala din mapapala.
“Huwag mo ipalaglag iyan. Kahit na ayaw mo sa daddy niyan, hindi mo pa rin dapat gawin ang naiisip mo dahil masama iyan. Tala, andito lang ako. Tutulongan kita.” Ang sabi ni Trisha, at yakap yakap pa rin niya eto.
“Ayaw ko man sa gusto ni dad. Pero wala tayo magagawa pa. Pero hayaan mo kakausapin ko pa rin si dad hanggang hindi pa kayo kasal. Next month pa naman ang napagplanuhan na kasal ninyo. Susubukan ko. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo ipapalaglag yan dala dala mong baby.” Ang dagdag pa niya.
Niyakap naman ni Tala ang ate niya. Nakakita na siya ng kakampi niya at nakakaunawa sa kanya. Kaya sa ate niya lang siya makikinig.
“Salamat ate. Okay po te pangako.” Ang sagot ni Tala.
Ayaw man niya ngunit nangako siya sa ate niya. At tsaka takot pa rin siya sa daddy nila baka saktan na naman siya kung malaman na pinalaglag niya eto.
Matapos nun ay bumalik ulit si Tala sa kanyang kwarto para magpahinga. Kahit na wala siya masyadong ginagawa ay parang pagod siya lagi. Naisip niya din na iyun ang dahilan bakit mabilis siyang mapagod ngaun araw. Samantala kinausap muli ni Trisha ang ama para kay Tala.
“Dad, seryoso po ba talaga kayo na ipapakasal niyo si Tala sa kanya? Wla na ba talagang paraan para mapagbati niyo silang dalawa. Kawawa naman si Tala.” Ang sabi ni Trisha.
“She’s already pregnant. Ayaw ko naman na lumaki ang bata ng walang ama. Para sa kanya din naman eto at para sa pamilya natin to. Magiging ayos din ang lahat at magiging masaya tayong lahat dito.” Ang sagot ni Lucio.
“By ruining her happiness? Tingin niyo magiging masaya si Tala niyan? Tingin niyo magkakabati silang dalawa ni Amihan kung ganyang parusa ang naisip mo dad? Baka mas lalo lang magalit si Tala kay Amihan niyan. Hindi sana mabubuntis si Tala ng maaga kung hindi niyo plinano iyan dad. 18 palang siya at buntis na siya. Hindi pa siya tapos sa pag aaral niya.” Ang saad ni Trisha.
“Dad, mom, hindi man nagsasalita si Tala ngaun dahil natatakot siya sa inyo. Pero baka tumagal, sa inyo na din siya magagalit. Natatakot ako baka isang araw maglayas na siya sa atin.” Ang dagdag pa niya.
“Lucio, tama si Trisha. Mas magagalit at masasaktan si Tala kung ipagpapatuloy mo iyan. Kilala ko ang anak ko kase ako nagpalaki sa kaniya. Mali man ako sa pagpapalaki sa kanya ngunit Mas makakabuti kung kausapin natin ngaun ang dalawa at subukan hanapin ang punot dulo ng hidwaan nilang dalawa.” Ang sabi naman ni Veronica.
Dito narealized din ni Wenda ang lahat, kaya pati siya ay nakiusap na kay Lucio. Natakot din siya na maglayas ang bata kung nasasaktan na siya.
“Hon, mukhang tama ang anak natin dito. Hindi dapat natin iyun ginawa. Baka makahanap pa tayo ng paraan para mapagbati silang dalawa. Sa tingin ko mas sinisira natin ang buhay ni Tala sa ginagawa natin. Sorry about this Trisha and Veron.” Ang pahayag ni Wenda.
Ilang beses pa sinabihan si Lucio ng tatlo ngunit ayaw pa rin ni Lucio makinig.
Habang sila’y nag uusap ay nakikinig naman si Amihan. Sasabihan niya sana sila para manananghalian na sila. Ngunit nadatnan niya na pinag uusapan nila tungkol sa kasal at pagbubuntis ni Tala.
Dito niya narealize na nabuntis na siya ni Macario.
Nang hindi niya matiis ay nakisali na din siya. Tulad niya ay ayaw niya na masaktan pa ang kakambal. Kahit na sinaktan siya ng kakambal ay hindi pa rin niya gusto na masira pa ng tuluyan ang kasiyahan niya.
“Dad, tama sila, ate Trisha at ni mom at ni momita. Please, nasasaktan ang kambal ko sa decision nio na ipakasal sila ni Macario na hindi niya mahal at hindi niya gusto. Pag uusapan namin dalawa ang nangyari sa amin. Huwag niyo lang ipakasal si Tala kay manong Macario na ayaw niya.” Ang pakiusap ni Amihan.
Naaawa siya sa kakambal niya na ikakasal siya sa lalaking hindi niya gusto.
“Mas lalo lang nasasaktan si Tala, dad. Please, baka mas lalo lang masira ang buhay ni Tala kung pakasalan niya ang taong ayaw niya. Ayoko din na mas magalit si Tala sa akin tungkol dito. Tahimik man ngaun si Tala pero sigurado ako na lumalaki ang galit niya sa akin.” Ang dagdag pa niya.
Nakita naman ni Lucio ang concern ni Amihan sa kakambal niya. Tinanong pa ng maraming beses si Amihan ni Lucio at sinabi niya na gagawa siya ng paraan para magkati sila. Kaya bumigay na din si Lucio at binawi ang decision niyang ipakasal si Tala kay Macario.
“Okay, anak. Binabawi ko na ang utos ko at hindi ko na siya ipapakasal kay Macario. Pero anak kailangan niyo na magbati. Ayaw ko na naririnig na nagaaway kayo. At regarding sa pagbubuntis niya, ayaw ko pa rin na ipalaglag niya.” Ang sagot ni Lucio.
Natuwa dito silang lahat dahil napakiusapan ni Amihan ang daddy nila. Natuwa din sila dahil sa kabutihan loob ni Amihan. Nagpasalamat naman ang tatlo kay Lucio dahil pinakinggan niya si Amihan.
“Dad, salamat po. Sabi pala nina ate Mariel, pwede na daw tayo kumain.” Ang saad ni Amihan.
Tinawag naman ni Diwata si Tala.
Habang kumakain silang lahat ay sinabi na ni Trisha ang decision ni Lucio na huwag na siyang ipakasal kay Macario. Ngunit hindi niya ilalaglag ang baby na nasa sinapupunan niya.
Natuwa si Tala sa nalaman niya ngunit natahimik siya ng malamang si Amihan ang nakiusap kay Lucio na hindi ituloy ang kasal nila.
“Ate, salamat po. Hindi ko po ilalaglag ang baby ko. Gusto ko sana paalisin si Macario.” Ang saad ni Tala.
“Iha, patawad sa ginawa ko. Pero kahit hindi na kayo kasal kailangan ni Macario na panagutan ang ginawa niya. Kaya hindi siya aalis dito at babantayan ka pa rin niya at ang magiging anak ninyo.” Ang paliwanag naman ni Lucio na kinalungkot ni Tala.
“Anak, ang mahalaga nito ay hindi ka na ikakasal sa kanya at malaya ka ng magmahal ng gusto mo. Tama naman ang daddy mo. Kailangan din panagutan ni Macario ang ginawa niya. Hindi naman kayo ikakasal ng lalaking iyun at simula ngaun hindi na siya tatabi sa iyo at hindi ka na niya ulit gagalawin.” Ang pahayag naman ni veronica.
“Okay, payag ako na kahit hindi kame kasal ni Macario ay hindi niya takbuhan ang anak niya sa akin. Ngunit may condition, hindi dapat malaman ng baby ko na si Macario ang ama niya.” Ang pagpayag ni Tala.
“Maliwanag, pero dapat kayu magbati ni Amihan. Ayoko na nagaaway kayung dalawa.” Ang pagpayag naman ni Lucio sa condition ni Tala.
“At Tala, dapat kay Amihan ka magpasalamat dahil pinakiusapan niya si dad. Siya ang dahilan bakit pumayag si dad na bawiin niya ang una niyang decision.” Ang paliwanag ni Trisha.
Hindi naman makapagsalita si Tala at tinignan si Amihan. Hindi naman kumikibo si Amihan. Dahil sa naging hidwaan nila at away nila ay hindi sila nagpapansinan. Napansin ng lahat na hindi sila nagpapansinan ngunit hinayaan na lang muna iyun.
“Okay, hindi kita pinipilit, Tala. Ngunit sinasabi ko lang sa iyo na concerned sa iyo si Amihan. Gusto ka din niya maging masaya. Kung nasaktan ka niya nun, sana alalahanin mo na nasaktan mo din siya nun. Basta mag usap kayung dalawa ni Amihan kung ready na kaung mag usap” Ang pahayag ni Trisha.
“Maghihintay kame kung handa ka na makipag usap sa kanya. Basta, ang pakiusap ko lang sa inyo na walang mag aaway sa inyo.” Ang pakiusap pa ni Trisha.
“Okay ate. Maliwanag po.” Ang sagot ni Tala.
Mga ilang sandali pa ay natapos na kumain ang lahat. Bumalik na sa kanikanilang gawain ang lahat.
Lumipas pa ang ilang oras ay kinakausap ni Diwata si Amihan sa kaniyang kuwarto ng may mapansin si Diwata na isang lumang envelop sa damitan ni Amihan. Naging curious siya dito kaya pinakita niya iyun kay amihan.
“Ami, anu to? Kanino galing tong lumang envelop na ito?” Ang tanong ni Diwata na kinagulat ni Amihan.
Nagulat naman si Amihan ng makita ang envelop na hawak hawak ni Diwata dahil eto yung sulat ng childhood friend nilang dalawa at greatest love ni Tala nun na matagal na niya hinahanap. Hindi niya inaakala na naiwan pala niya dito sa bahay ng ate niya ang sulat na iyun. Matagal na niya gusto ibigay iyun kay Tala ngunit hindi siya pinapansin hanggang nakalimutan niya din eto. Hindi niya rin inaakala na naiwan pala niya dito.
“Ate, iyan ay ang sulat ng childhood friend namin at greatest love ni Tala.” Ang sagot ni Amihan.
“Sulat to ni Marquis? Yung kababata ninyo? Panong nasa sa iyo?” Ang takang tanong ni Diwata. Alam ni Diwata ang first at greatest love ni Tala.
“Ate, sa akin binigay ni Marquis nun bago siya umalis papuntang Europe at nung nagpunta tayo dito. Hindi kase siya pinapansin ni Tala nun. Kaya dinaan na lang niya sa sulat.” Ang sagot ni Amihan.
“Oh, teka. Bakit pala biglang naghiwalay silang dalawa.” Ang tanong ni Diwata.
Gusto itanong ni Diwata iyun dahil naalala niya nung nagaway sina Amihan at Tala after ng hiwalayan nila at hindi na sila nagbati at simula na rin ng sunod sunod nilang pag aaway. Mas gusto din ni Diwata si Marquis kay Tala dahil mas mabait si Marquis kaysa kay Ethan. Kaya gusto niya magkabalikan silang dalawa. Iniisip nalang ni Diwata kung tatanggapin pa niya si Tala kahit may anak na siya.
Kinuha naman ni Amihan ang envelop at ibibigay na niya kay Tala.
“Ate, ibigay ko lang ito kay Tala. Ikwento ko sa iyo after ko maibigay eto sa kanya. Dito ka lang. Babalik din ako agad, ate.” Ang sabi ni Amihan at lumabas at nagpunta sa kwarto ni Tala.
Agad agad siya kumatok sa kwarto ni Tala. Agad naman siya pinagbuksan at sa inaasahan niya masungit pa rin sa kanya si Tala.
“Oh, anung ginagawa mo dito? Tingin mo ba magpapasalamat ako sa iyo? porket napakiusapan mo si dad. Tingin mo magiging mabuti ako sa iyo? Magpapasalamat ako sa iyo. Nagpunta ka pa talaga dito para lang ipamukha iyan sa akin.” Ang pahayag ni Tala.
Kinontrol naman ni Amihan ang sarili niya. Ayaw niya makipagaway ngaun dahil sa buntis si Tala at wala siya sa mood makipag away ngaun sa kakambal. Hindi na lang niya pinatulan ang sinabi ng kakambal. Nagdasal na lang siya na after niya mabasa ang sulat ni Marquis ay magbago na siya.
“Look, sorry sa mga nagawa ko sa iyo. May ibibigay lang ako sa iyo. Eto (sabay abot sa sulat galing kay Marquis, hindi na niya tinignan kung kukunin niya iyun o hindi. Basta maibigay niya lang.) galing iyan kay Marquis. Kailangan mo basahin niyan. Matagal na sa akin iyan at nun ko pa dapat binigay iyan sa iyo. Ngunit hindi mo ako pinapansin kaya nakalimutan ko din. Alam ko late na ngunit kailangan mo pa rin malaman ang lahat ng nangyari sa amin ni Marquis. Sabi niya sinulat niya lahat diyan ang lahat ng katotohanan.” Ang pahayag ni Amihan at sabay umalis.
Hahabulin sana ni Tala si Amihan para ibalik ang envelop dahil wala na siyang pakialam ngunit nakapasok na siya sa kanyang kwarto at nadinig niya iyun na nilock.
Hindi binigyan ng pagkakataon ni Amihan na makapagsalita si Tala. Matapos niya sabihin iyun ay bumalik na siya sa kanyang kuwarto.
Pagkabalik ni Amihan sa kanyang kwarto ay kwinento niya lahat kay Diwata ang nalalaman niya tungkol kina Tala at Marquis. Dito naman narealized ni Diwata na eto ang punot dulo ng hidwaan nilang dalawa. Dahil sa hindi nila pagkakaunawaan nun ay nagsimula ang hidwaan nilang dalawa.
Nagdasal naman si Diwata na after nito ay makapagbati na sila ni Amihan. Nalungkot naman si Diwata ng malaman niya ang nangyari kay Marquis.
Samantala agad naman binuksan ni Tala ang envelop na binigay ni Amihan sa kanya. Sa una ay gusto niya itapon dahil wala na siyang pakialam sa kanila. Para sa kanya matagal ng patay si Marquis at niloko siya ng sariling kakambal.
Ngunit may parte sa puso niya na gustong malaman kung totoo ang sinasabi ni Amihan sa kanya kaya minabuti niyang buksan iyun at basahin ang nilalaman. Naisip niya na wala naman ng mawawala sa kanya kung babasahin niya iyun. Bahala nalang siya kung maniniwala siya o hindi. Pagbukas niya ay Napansin niya na luma na iyun kaya alam niya na matagal na ito.
Nang nabuksan niya ang envelop ay agad niya nilabas ang nilalaman at nagulat siya ng may makita siyang mga larawan, napakadaming larawan ito. Kita niya sa larawan na magkasama sina Marquis at amihan ngunit napansin niya na sa ilang larawan ay andun din ang best friend niyang si Luningning.
Medyo nacurious siya sa nakita kaya pinagmasdan niya mabuti ang madaming litrato. Napansin din niya magkakasunod na pangyayari nakaayos ang mga larawan.
Hindi man niya alam ang nangyayari ngunit alam niya na nag uusap silang tatlo. Alam din niya na hindi maganda usapan nila dahil may picture na sinabunutan ni Amihan ang kaibigan niya.
Ilang sandali ay Dito niya din narealized na eto ung araw na nakita niya na magkasama sina Marquis at Amihan at kita niya na nakadagan si Marquis kay Amihan na inakala niyang nilalandi ni Amihan ang bf niya at niloloko siya ng kasintahan gaya ng sinasabi ng kaibigan.
Hindi niya din inaakala na kasama pala nila si Luningning bago siya nakarating sa kinaroroonan nila. Dito narealize niya na niloloko siya ng matalik na kaibigan. Ang sabi kasi ni Luningning sa kanya ay wala siya sa lugar na iyun at may nakapagsabi lang sa kanya.
Ayun sa kaibigan ay nakita din ng kakilala nito na naghahalikan sina Amihan at Marquis bago niya nahuling nakadagan eto. Naniwala siya sa kaibigan niya dahil sa nasaksihan niya.
Narinig din daw niya na nagplano silang lokohin siya. Ngunit ngaun nakita niya sa larawan ay nagduda na siya sa kaibigan. kaya pinagpatuloy niya ang pagtingin sa larawan.
Madami na siyang nakitang litrato ngunit napansin niya pa rin na malaki ang distansya nilang dalawa. Nakalapit lang si Marquis kay Amihan nung paalis na si Amihan. Sa kwento ni Luningning ay magkatabi sila at magkahawak pa ang kamay nilang dalawa. Hindi nga din niya nakita na naghahalikan silang dalawa bago natumba si Amihan at bago niya nadaganan si Marquis.
Pero nang mapansin niya ang isang litrato na paalis na si Amihan ay nakita niyang tinulak ni Luningning si Amihan at dumiretso siya sa kalsada at saktong may padaang sasakyan kaya kamuntikan na siya masagasahan ng sasakyan. Buti na lamang ay nakita at mabilis siyang nahila ni Marquis pabalik ngunit natapilok si Amihan kaya natumba silang dalawa at napadagan si Amihan kay Marquis. Nakita niya na tumakbo agad si Luningning pagkatapos niya matulak si Amihan.
Yun yung eksenan nadatnan niya, hindi niya nakita na kamuntikan masagasaan si Amihan. Nasa loob kase siya ng isang restaurant ng naganap ang pag uusap nila at walang kamalay malay na kausap ni Amihan si Luningning nun.
Napatakip siya ng bibig niya dahil iniligtas pala siya ng kasintahan. Nagsisi na siya dahil sa hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ng kasintahan at kakambal nun at mas pinakinggan niya ang kasinungalingan ng kaibigan.
Nakita din niya na ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na din siya. Sa oras na dumating siya ay wala na siya sa eksena.
Dito naalala lahat ni Tala ang nangyari kaya napaiyak siya. Naalala niya na mali ang pagkakatindi niya at nagsinungaling ang bestfriend niya dun. Totoong kamuntikan mabundol ang kakambal at kamuntikan mamatay.
Hindi pala siya niloko ng kakambal at ni Marquis kundi ng bestfriend niya. Sana hindi niya binigyan ng malisya ang pagliligtas ng bf niya sa kakambal niya.
Sana nagtiwala din siya sa kanilang dalawa.
Nang marealized niya iyun ay agad niya kinuha ang sulat na galing kay Marquis. Dito nakasaad ang totoong nangyari nun, dito pinaliwanag lahat ni Marquis ang lahat. Mas lumakas ang pag iyak ni Tala ng mabasa ang nilalaman ng sulat.
Sa sulat nakasaad na may galit si Luningning kay Amihan at sinet up niya silang dalawa. May gusto kase si Luningning sa unang bf ni Amihan nun na si Daniel. Kaya para maghiwalay sila at makuha niya si Daniel ay sinet up niya silang dalawa. Nasabi niya din na may inggit si Luningning kay Amihan dahil may kakambal siyang mahal na mahal siya kaya gumawa siya ng paraan para mag-away silang dalawa.
Sinabi niya din sa sulat na ginamit lang siya ni Luningning para sa masamang plano niya. Dito mas nagalit si Tala sa matalik na kaibigan.
Naalala ni Tala nun na nung naghiwalay sila ni Marquis ay nakipaghiwalay din si Daniel kay Amihan at sinabihan pa siya ng manloloko. Dito naging si Daniel at Luningning din. Dito din niya nakitang sinaktan ni Luningning at ni Daniel ang kakambal at wala man lang siya ginawa para ipagtanggol siya.
Sa pangyayaring iyun, nagbago din ng tuluyan si Amihan. Hindi na siya iyakin at hindi na madaling mabully kahit kanino. Ilang bully na din ang sinaktan niya.
Sa sulat ay humihingi din ng kapatawaran si Marquis sa kanya at sinabi sa kanya kung gaano siya kamahal ni Marquis. Sinabi din niya kung gaano siya kamahal ni Amihan. Nang tignan pa niya ang envelop ay may nakalagay na isang kwintas.
Dito narealized ni Tala kung gaano siya kamahal ni Marquis nun. Sa oras na iyun ay bumalik ang pagmamahal niya sa dating kasintahan.
Nagsisi naman siya bakit hindi niya pinakinggan ang kakambal at ang kasintahan. Kung pinakinggan niya silang dalawa ay hindi sana magkakaganito ang lahat. Sana naipagtanggol pa niya ang kakambal.
Alam niya kung gaano at kabilis masaktan ang kakambal at iyakin dati si Amihan nun. Naalala niya nung bata pa sila ay siya lagi nagtatanggol sa kanya pag may nambubully sa kanya. Malakas lang ang loob nun ni Amihan pag magkasama silang dalawa.
Umiyak siya ng malakas sa oras na iyun dahil isa siya sa nanakit sa kakambal.
“Mi, sorry. Sana pinakinggan kita nun. Sana hindi ko pinairal ang galit ko. Sorry dahil sa akin nasaktan kita. Huhuhu!!!” Ang hinagpis ni Tala.
Iyak naman ng iyak si Tala sa oras na iyun at hindi niya inaasahan na makatulog siya agad sa sobrang pagod kakaiyak.
Nagising nalang si Tala ng makitang gabing gabi na kaya agad siya lumabas ng kwarto niya at dirediretso sa kwarto ni Amihan at kumatok.
Tok!!! Tok!!! Tok!!!!
“Mi, buksan mo ang pinto. Gusto kita makausap. Mi.” Ang sigaw ni Tala sa pintuan ni Amihan habang umiiyak.
Ngunit ilang minuto ay walang nagbubukas sa kwarto niya kaya binuksan niya ang pintuan at nakita niya na wala dun si Amihan. Kaya bumaba siya agad baka nasa hapagkainan si Amihan at kumakain. Ngunit walang Amihan siyang nakita. Wala din ang iba, kaya humagolgol siya ng iyak.
Inakala niya sa oras na iyun ay tuluyan na siyang iniwan. Iyak na ng iyak si Tala dahil inakala niya na iniwan na siya ng tuluyan ng kakambal. Ngaun niya lang din napansin na hindi lang si Amihan ang wala kundi lahat sila kaya mas lalo siya napaiyak. Akala niya ay nagsawa na sila sa ugali niya.
Ngunit ilang sandali ay nagbukas ang pintuan at niluwal nito si Amihan kasama ni Juanito. Nagulat naman si Amihan ng makita si Tala na nakatingin sa kanya at umiiyak. Pansin niya din na parang nangungulila eto sa kanya. Nakita naman ni Juanito iyun kaya Agad naman siya umalis at nagpaalam at naiwan lang si Amihan. Alam ni Juanito na mag uusap ang dalawa kaya binigyan niya sila ng space.
Tuwang tuwa si Tala ng makita si Amihan at agad siya tumakbo palapit sa kanya at agad niyakap. Nagulat naman si Amihan ng Agad aga siya niyakap ni Tala ng makita eto. At naramdaman ni Amihan ang patak ng luha nito. Nagtataka man siya ngunit niyakap nalang niya pabalik ang kakambal.
“Mi, sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Sna mapatawad mo ako. Huhuhu!!! Patawarin mo ako, Mi.” Ang iyak ni Tala ng bigla niya yakapin si Amihan.
Nagulat naman si Amihan ng marinig niya na tawagin “Mi”, si Tala lang kase ang tumatawag ng Mi sa kanya. Narealized na ni Amihan na baka bumalik na ang dating kakambal niya.
“La, ikaw na ba to? Ikaw na ba ang La na dati kong mahal.” Ang sabi at tanong naman ni Amihan at nagsimula na din siyang umiyak dahil sa sinasabi ni Tala.
Hindi na di niya inisip kung nagdadrama lang si Tala dahil sobra ang pag iyak niya.
“Yes, Mi. Ako na to, patawarin mo ako, madami akong kasalanan sa iyo. Ang dami. Patawarin mo ako, Mi.” Ang sabi ni Tala at patuloy sa pagyakap si Tala.
Habang niyayakap ni Tala si Amihan ay biglang tumunog ang tiyan niya. Kaya narealized ni Amihan na hindi pa pala kumakain si Tala.
“Okay! Wait, halika muna dito. Kain ka muna, mamaya na natin pag usapan iyan. Kailangan mo kumain dahil nagdadalang tao ka. Lumabas kame kanina. Isasama ka sana namin kaso nakita ka naming mahimbing na natutulog kaya iniwan ka na lang namin. Bumalik ako kase pagod na din ako at inaantok na din. May dala akong pagkain dito, alam ko gusto mo to. Alam ko eto ang mga paborito mong pagkain dito.” Ang sabi naman ni Amihan.
Hindi naman nagpumilit si Tala dahil gutom na din siya kaya kumain na din siya. Natuwa siya dahil hindi pala nakalimutan ng kakambal ang mga paborito niyang ulam. Dahil na din sa gutom ay nagsimula na din siyang kumain. Masaya naman na pinapanood ni Aminan ang kakambal na kumakain.
Matapos sila kumain ay nagpunta sila sa kwarto ni Amihan. Dito ulit sila nag usap.
Hingi ng hingi si Tala ng kapatawaran kay Amihan at sinabi niya na alam na niya ang lahat. Nagsisi na din siya sa hindi niya pakikinig sa kanya at pinabayaan siya nung sinasaktan siya ng bestfriend niya at ni Daniel.
Niyakap ni Amihan si Tala at nagpasalamat eto at bumalik na siya sa dating Tala na kilala niya at mahal na mahal niya. Humingi din siya ng kapatawaran sa kanya sa ginawa niya.
Nagkapatawaran na silang dalawa at nangako sa isa’t isa na hindi na nila sasaktan ang bawat isa. Sa oras na iyun ay tuluyan ng nagkabati ang dalawa. Masayang masaya silang dalawa sa oras na iyun.
“Sorry talaga, Mi. Kung hindi dahil sa akin kamuntikan nasira ang relation natin.” Ang sabi ni Tala.
“Anu kaba, La. Kalimutan na natin ang nakaraan. Ang mahalaga sa ating dalawa nagkabati na tayo at dapat maging lesson sa atin yung nangyari sa atin nun.” Ang sabi naman ni Amihan.
“Eto na ang pinakamasayang gabi ko. Nagkabati na din tayo.” Ang masayang sabi ni Amihan.
“Ako din, masayang masaya din ako ngaun gabi, Mi. Iloveyou, Mi ko.” Ang masayang saad ni Tala.
“Iloveyou too, La ko.” Ang saad din ni Amihan.
Kitang kita naman ni Tala na sobra siyang mahal ni Amihan. Kaya niyakap niya ng mahigpit si Amihan.
Masaya din si Tala ng marinig niya na tinawag din siya ni Amihan ng “La” katulad ng tawag niya nun sa kanya.
“Mi, pwede bang dito muna ako matulog. Tabi tayo, matagal na tayung hindi nagkakatabi. Miss ko na din ung gabi na lagi tayu magkatabi kahit na may sarisarili na tayung kwarto.” Ang pakiusap ni Tala.
Masaya naman si Amihan sa sinabi ni Tala. Miss na miss niya din ang kakambal kaya pumayag siya.
“Oo naman. Kung gusto mo pa, lagi na tayong magkatabi. Gusto mo ba?” Ang sagot ni Amihan at hinila na papunta sa kama niya si Tala.
Nang makahiga silang dalawa ay nagsimula silang magkwentuhan at nag aasaran. Masayang masaya silang dalawa dahil matagal na nila etong hindi ginagawa.
“Ah, yun bang sinasabi nila Luningning at Daniel nun? Hindi ba totoo?” Ang tanong ni Tala dahil naalala niya ang kinakalat nilang dalawa nun.
“Yun ba? Hindi iyun totoo. Walang nangyari sa amin ni Daniel at hindi ako malandi na kung kanikanino pumapatol at kanikanino nakikipagsex kahit bata pa lang ako. Hindi ko lang sila pinapansin nun.” Ang sagot ni Amihan.
“I’m sorry, hindi kita napagtanggol nun. Sorry mas nakinig ako sa babaeng iyun. Sana pinakinggan kita, sana naipagtanggol kita nun inaapi ka sa iskol nun.” Ang paghingi ng tawad ni Tala.
“La, matagal na nangyari iyun. Nawala din naman kinalaunan ang pangyayaring iyun. At ginawan naman ng paraan ni kuya Pat iyun kaya hayaan mo na mga iyan. Ang mahalaga ngaun nagkaayos na tayo.” Ang pahayag ni Amihan.
“Mi, nabalitaan ko na naghiwalay daw silang dalawa ni Daniel. Nagloko din kase si Luningning at nalaman niya. Babalikan mo ba siya? Alam ko mahal mo pa rin si Daniel hanggang ngaun. At nabalitaan ko sa kaklase natin dati sa province na mahal ka pa daw niya.” Ang tanong ni Tala, alam niya at ramdam niya iyun sa kakambal.
“La, yes. Mahal ko pa rin siya. Patatawarin ko siya sa ginawa niya sa akin pero hindi ibig sabihin nun makikipagbalikan pa ako sa kanya. Hindi lahat ng mahal mo kailangan mo balikan.” Ang sagot ni Amihan.
“Alam ko din na galit ka sa kanya, ngaun nalaman mo ang totoo. At ayaw ko magalit ka sa akin, dahil ayaw mo pinipili ko ung mga taong nananakit sa akin. Kaya mas pipiliin kita kaysa sa kanya.” Ang dagdag pa ni Amihan.
Mas lalong niyakap ni Tala si Amihan. Natuwa siya dahil sobrang bait ng kakambal niya kaya nangako siya sa sarili na hindi na niya uulitin ang ginawa niya at nangako siya na poprotektahan na niya magmula ngaun si Amihan at hindi na niya hahayaan na may mambully ulit sa kanya.
Nangako siya na poprotektahan niya ang matamis na ngiti ng kakambal niya. Isa ang ngiti ni Amihan ang nagbibigay ligaya sa kanya.
Nagpasalamat din siya sa kanya dahil pinakiusapan niya ang daddy nila na huwag na siyang ipakasal kay Macario.
Ilang sandali ay may naalala si Tala.
“Mi, alam mo ba kung asan na si Marquis. Gusto ko na kase siya makita at makausap man lang. Gusto ko humingi ng kapatawaran sa kanya.” Ang tanong ni Tala.
Bigla naman nalungkot si amihan dahil naalala niya ang nangyari sa kanya. Mas lalo nalungkot si Amihan ng marinig ang sinabi pa niya.
“Alam mo kanina, nung mabasa ko ung sulat. Narealized ko na mahal ko pa rin siya hanggang ngaun.” Ang dagdag pa ni Tala.
“Bumalik ang pagmamahal ko sa kanya.” Ang dagdag pa niya.
Ngunit nagtaka siya dahil napakalungkot ng mukha ni Amihan ng madinig niya ang pangalan ni Marquis.
“La, alam ko kung nasaan si Marquis pero sana huwag kang mabibigla sa sinasabi ko.” Ang malungkot na saad ni Amihan.
“Mi, may nangyari ba kay Marquis? May namgyari ba sa mahal ko?” Ang tanong ni Tala ng makitang malungkot si Amihan.
“La, 6 months after ng araw na iyun at hindi mo siya pinansin. Nagpunta sila sa Europa para magpatingin dahil unti unting nanghihina si Marquis. At nalaman nila na lumala pa lalo yung Leukemia ni Marquis. Hindi daw sana lalala ang sakit niya kung inalagaan niya sarili niya. Halos hindi kase siya kumakain at nakakalimutan niya inumin ang gamot at vitamins na binigay sa kanya. Lagi din kase siya nastress at napapagod. Kung hindi daw dun maaaring gumaling siya at buhay pa siya ngaun. Ngunit kahit dinala na siya dun sa Europe para magpagaling ay huli na dahil nasa stage 4 na daw at nataningan na din ang buhay niya. Kaya bumalik din sila agad. Nung last kame nagkita, yun na din ang huling pagkikita namin. Kitang kita ko nun na sobrang payat na niya. Halos hindi ko na siya makilala nun, sa sobrang payat niya. Sa raw din na iyun, binawian na siya ng buhay. Alam mo, kahit huling sandali niya, ikaw lang ang bukambibig niya. Sinabi niya sa amin na kahit nagbago ka bigla mahal na mahal ka pa rin niya. Pinakiusapan pa niya ang mga magulang niya na huwag kang sisihin sa pagkamatay niya.” Ang pahayag ni Amihan.
Nagulat si Tala sa nalaman. Alam niya na may Leukemia ang kasintahan ngunit hindi siya makapaniwala na lalala ang condition niya dahil sa ginawa niya. Hindi man lang niya alam na nagkaganon ang condition niya. Nagsimula na siyang umiyak.
“Ilang beses din nila sinubukan na kausapin ka ngunit bigo daw sila. La, sorry pero patay na si Marquis. I’m sorry, La. Kung hindi sa akin. Hindi mangyayari to. Kung hindi lang ako sinet up ni Luningning at hindi ako naniwala sa kanya.” Ang malungkot at naiiyak na kwento ni Amihan
Naiiyak naman niya ng sobra si Tala habang kwinekwento ni Amihan ang nangyari kay Marquis. Ni hindi niya manlang nakausap ang kasintahan bago pumanaw.
Hindi siya makapaniwala na nangyari iyun sa minamahal niya. Nagsimula din siyang sisihin ang sarili. Ngunit niyakap siya ng mahigpit ni Amihan. Tumahimik silang dalawa ng ilang minuto.
“Mi, alam mo ba kung saan nilibing si Marquis? Gusto ko siya puntahan. Gusto ko humingi ng tawad sa kanila.” Ang tanong ni Tala.
“Sa atin mismo, La. Sasamahan kita pag umuwe na tayo. Sasamahan kita.” Ang sabi naman ni Amihan.
Matapos iyun ay niyakap ng mahigpit ni Amihan si Tala dahil kanina pa siya umiiyak. Nang humupa ng konti ang iyak ni Tala ay may tinanong si Amihan para makalimutan niya si Marquis.
“La, matanong ko lang. Anung plano mo sa baby mo?” Ang tanong ni Amihan at napatingin si Tala sa kanya.
“Palalakihin ko siya, masakit man sa akin na nabuntis ako ni Macario. Ngunit tatanggapin ko nalang. Nakakalungkot man isipin, minsan nga lang may nangyari sa amin nabuntis pa ako. Ngunit hindi ko pa alam kung anu gagawin ko kay Macario. Ayaw ko kay Macario. Ngunit ayaw ko lumaki ang anak ko na walang ama. Ngaun na naayos na natin ang hidwaan natin, mas luminaw sa akin ang lahat.” Ang malungkot na sabi ni Tala.
“Madami akong nagawang pagkakamali at nasaktan. Pati si Macario, ilang beses ko siya napagsalitaan ng hindi maganda. Alam mo ba, nung kinabukasan after may nangyari sa amin ni Macario. Bigla nalang siya nagbago, hindi niya ako ginagalaw. Hindi niya ako pinipilit at pag umiiyak ako sa kwarto ko sinasamahan niya ako, inooffer niya ang balikat niya sa akin. Lagi din siya sa sahig nun natutulog, kahit inutusan siya ni daddy na matulog sa tabi ko. Pag natutulog din ako, lagi niya hinahalikan ang noo ko. Medyo naguguluhan din ako sa kanya. Kahit ilang beses ko na siyang pagsalitaan ng masama ay hindi siya nagagalit sa akin. Siguro bigyan ko siya ng chance maging tatay ng anak namin.” Ang pahayag ni Tala.
“Im sorry, La. Kung anu maging desisyon mo, hindi kita pipigilan. Pero sasamahan kita at hindi iiwan.” Ang malungkot na paghingi ng tawad ni Amihan.
“Hindi mo to kasalanan, Mi. Ako ang may kasalanan ang lahat.” Ang sagot naman ni Tala.
“La, basta kung anu magiging decision mo susuportahan kita. At naniniwala ako na may magmamahal din sa iyo kahit na may anak ka na. regarding kay Macario, kailangan mo siya kausapin at linawin ang lahat sa kanya” Ang sabi naman ni Amihan.
“Ako din, susuportahan kta at poprotektahan kita laban sa mga lalaking gustong manakit sa iyo. Basta sorry, kasalanan ko ang lahat nito.” Ang saad ni Tala.
“Ih, huwag na tayong magsisihan dito, La. Parehas tayo may kasalanan ng lahat. Kung sinabi ko lang sa iyo ng mas maaaga na kinakausap ako ni Luningning at sinisiraan, hindi din mangyayari to. Dapat maging masaya tayo mag mula ngaun, nagkabati na tayo eh. Ay, naalala ko, ung usapan natin nun ah, na ako ang magpapangalan sa baby mo.” Ang masayang pahayag ni Amihan.
“Ay, oo nga. Cge, pag ikaw din magbuntis, kailangan sa akin mo unang sasabihin at ako magpapangalan sa anak mo.” Ang sabi naman ni Tala.
“Oo naman, mag iisip na ako ng pangalan ng baby mo. Ay wait, pag lalake ang pamangkin ko, alam ko na kung anu ipapangalan ko sa kanya. Kung babae, yan muna ang iisipin ko.” Ang masayang saad din ni Amihan.
Balak ipangalan ni Amihan kay Marquis, kung lalaki ang anak niya dahil siya ang first and greatest love niya.
“Cge na, gabing gabi na pala, Mi. Inaantok na ako. Tulog na tayo.” Ang saad ni Tala ng mapansin na lampas ala una na pala ng madaling araw.
Kaya natulog na silang dalawa. Masaya at may ngiting nakatulog ang dalawa at nakatulog sila na magkayap.
Hindi naman nila namalayan na dumating na sina Lucio dahil masaya silang nagkwekwentuhan.
Pagod na pagod naman sina Lucio pagdating nila kaya nagsipunta na sila sa bawat kwarto nila. Dahil nga gabing gabi na ay nakita nila na nakapatay na ang ilaw ay inakala naman nina Lucio na baka tulog na sina Amihan at Tala kaya natulog na din sila.
Nakalimutan din nila na icheck silang dalawa.
Kaya kinabukasan ay nagulat ang lahat ng sabihin ni Lizette na wala si Tala sa kanyang kwarto. Gigisingin na sana niya si Tala para makakain na baka hindi siya nakakain kagabi ngunit nagulat nalang siya na wala siya sa kanyang kwarto at pati sa kanyang banyo ay wala. Kaya agad ipinaalam ni Lizette kina Veronica, na nawawala si Tala.
Mahimbing pa ring natutulog sina Tala at Amihan at hindi alam ang nangyayari sa labas.
“Lizette!! Seryoso ka na wala si Tala sa kanyang kwarto?” Ang sigaw naman ni Veronica at nagsimula siyang mataranta.
Iniisip na din niya na baka naglayas na si Tala.
“Ma’am, seryoso po ako. Wla po si Tala sa loob ng kwarto niya.” Ang sagot ni Lizette.
“Ma’am, wla din sa labas ng bahay. Nilibot ko na po at naghanap ng maaari niyang taguan.” Ang sabi naman ni Mariel.
“Nagtanong din ako sa guard ngunit hindi daw nila napansin kung lumabas si Tala.” Ang saad naman ni Delia.
Agad naman nagpunta si Veron kasama ni Lizette sa kwarto ni Tala at nakumpirma nga niya na nawawala si Tala. Dito na siya mas lalong nataranta.
Nagising naman agad si Lucio dahil sa ingay nila. Pati din sina Wenda at Trisha ay nagising din.
“Anung nangyayari dito. Bakit kayo natataranta?” Ang tanong ni Lucio.
“Nawawala si Tala, Lucio. Tignan mo, kung hindi mo ginawa ang gusto mo, hindi sana naglayas si Tala. Kung may nangyaring masama sa anak natin, hinding hindi kita mapapatawad.” Ang sigaw naman ni Veronica.
“Huh! Diba binawe ko na iyun? Bakit pa siya maglalayas?” Ang pagtataka ni Lucio.
“Hindi ko alam. Baka nagsisinungaling ka, Lucio. At palihim mo sinabi na itutuloy mo pa rin ang kasal nila. Kung may masama talagang nangyari sa anak natin malilintikan ka talaga sa akin.” Ang saad at pagbabanta ni Veronica.
“Dad, baka sinamantala ni Tala na maglayas nung wla tayo dito.” Ang sabi ni Trisha.
Napatigil naman si Lucio sa nasabi ni Veronica. Kaya tinawag niya agad sina Juanito at Macario na samahan siya at hanapin si Tala. Nagulat naman ang dalawa ng malaman na nawawala si Tala. Nakalimutan naman ni Juanito na nagkausap ang magkambal kagabi. Sumama din sina Wenda, Trisha at Diwata sa paghahanap sa kaniya.
Pinaiwan naman ni Lucio si Mariel para pag magising si Amihan ay may magasikaso sa kanya. Wala isa sa kanila ang nakaisip na icheck si Amihan.
Habang hinahanap ni Lucio si Tala ay sising sisi siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya. Kaya nagdasal siya na sana mahanap niya ang anak niya.
Ilang sandali pa ay nagising na ang dalawa mula sa pagkakatulog at agad silang bumaba dahil nagugutom na silang dalawa. Dahil sa kagigising lang nilang dalawa ay wala silang kaalam alam na inakala nila na nawawala si Tala at naglayas eto para hindi makasal kay Macario.
Kaya nung makita ni Mariel si Tala na kasama ni Amihan na bumaba ay nagulat eto.
“Ma’am Tala!!!” Ang biglang sigaw ni Mariel ng makita niya si Tala at nabitawan pa niya ang hawak hawak na plato.
Bigla naman nagulat si Tala at napatalikod ng narinig ang sigaw ni Mariel.
“Ate Mariel, nakakagulat ka naman. Bakit ka bigla sisigaw sa likod ko niyan. Tsaka Tala nalang po tawag nio sa akin ate.” Ang sabi ni Tala, ginaya niya si Amihan dahil iyun ang tawag niya sa kanya.
“Ma-, este, Tala, kanina ka pa hinahanap nina sir Lucio. Andito ka lang pala. San ka ba nagpupunta?” Ang pahayag ni Mariel.
Dito nagsalita din si Amihan. Nagtaka naman si Tala sa sinabi ni Mariel.
“Ate, magkatabi kame natulog kagabe kaya magkasama kame ngaun. Asan ba sina daddy, ate? San sila nagpunta. Parang wala sila dito sa bahay, Ang aga naman nila umalis at hindi pa bumabalik.” Si Amihan na ang sumagot kay Mariel at pinulipot ni Amihan ang kamay niya sa kamay ni Tala.
Nagulat si Mariel sa sinabi ni Amihan. Kase alam niya na magkaaway silang dalawa, kaya gulat na gulat siya ng malaman na magkatabi silang dalawa natulog kagabi. Kitang kita niya din na masaya silang dalawa ngaun na parang walang hidwaang nangyari sa kanilang dalawa.
“Ami, lumabas sila kanina pa. Mga tatlong oras na ang nakalipas. Pinaiwan ako para may magasikaso sa iyo pag nagising ka na. Akala kasi nila naglayas si Tala kaya iyun, hinahanap nila eto.” Ang sagot ni Mariel.
“Huh? Magkatabi lang kame ni Tala te ah.” Ang pagtataka ni Amihan.
“Hindi naman namin alam. Walang nagcheck sa amin sa kwarto mo kaya hindi namin alam iyun. Hindi namin alam na magtatabi kayu matulog.” Ang paliwanag ni Mariel.
“Bakit hindi ninyo tinanong si Manong Juan, nakita ko sila na dumating kagabi ni Mi. At alam ko na nakita niya kame na nag usap.” Ang pagtataka ni Tala.
“Huh!! Wala naman sinabi si manong Juan tungkol diyan. Mukhang nakalimutan ata niya.” Ang sabi naman ni Mariel.
Sasagot pa sana si Amihan ng parehas tumunog ang tiyan nilang dalawa. Natawa dito si Mariel.
“Ate, sorry huh. Pero may ulam na ba gutom na kase kame, ni Mi. Mga hating gabi na kame nakatulog kagabe.” Ang tanong ni Tala at tumunog ang tiyan nilang dalawa.
“Ah, cge. Mauna na kayong kumaen. punta na kayu sa kusina. Nakahain na ung mga ulam ninyo at ako na ang bahalang tumawag at sabihin na andito ka lang sa bahay.” Ang sabi ni Mariel.
Agad naman nagpunta ang dalawa sa hapag kainan at nagsimula ng kumain ng masaya at nagkwekwentuhan.
Samantala tinawagan naman ni Mariel si Lucio.
“Mariel, napatawag ka. May nangyari bang masama kay Amihan.” Ang tanong ni Lucio.
“Wala naman po sir. Pero matutuwa po kayu sa sasabihin ko. Andito po si Tala. Hindi po siya umalis ng bahay at hindi po siya naglayas.” Ang sabi ni Mariel.
“Huh!! Seryoso k ba sa sinasabi mo? Andyan lang si Tala.” Ang saad ni Lucio.
Narinig naman ni Wenda si Lucio at kinuha ang phone sa kanya at kinausap si Mariel.
“Andiyann ba si Tal? Kumusta siya? Asan ba siya kagabi.” Ang sunod sunod na tanong ni Wenda.
Sobra ang pag aalala niya sa kanya dahil may kasalanan din siya.
“Ma’am, wala naman nangyari masama kay Tala. Dito lang po siya natulog kagabi.” Ang sagot niya.
“Sige, tawagan mo sina Juan at Macario. Pabalik na kame.” Ang sabi ni wenda at pinatay na ang tawag. Sa excitement niya ay hindi natanong kung saan natulog di Tala.
Tinawagan naman ni Mariel sina Macario at Juanito para sabihin na umuwe na after niya matawagan si Lucio.
Hindi kasama ni Veronica si Lucio kase galit siya nito dahil akala niya na naglayas si Tala. Kasama naman ni Veronica si Juanito at Diwata. Samantala, kasama ni Macario si Lizette at Trisha. Sumama si Delia kina Lucio at Wenda. Naghati hati sila para mabilis nila mahanap si Tala.
“Hon, nakita na ba si Tala?” Ang tanong ni Veronica ng tumawag siya kay Lucio.
“Oo, sabi ni Mariel. Nasa bahay lang si Tala at hindi lumabas ng bahay. Kaya babalik na tau.” Ang sagot ni Lucio.
“Huh? San siya nagpupunta? Sabi ni Lizette wala siya sa buong kwarto niya, pati sa banyo niya.” Ang saad naman ni Wenda.
“Hindi ko din alam eh. Mamaya na natin pag usapan iyan. Ang mahalaga, alam na natin kung asan si Tala.” Ang sabi naman ni Lucio.
Ilang sandali lang ay nakarating na sila. Magkakasabay silang lahat na nakarating at agad agad sila pumasok.
“Mariel!! Asan si Tala?” Ang sigaw ni Veronica dahil puno pa rin siya ng pag aalala sa anak.
Baka may anung nangyari sa kanya. Buntis pa naman siya. Tinuro naman agad ni Mariel kung asan si Tala at agad agad sila nagpunta dun.
Nadatnan naman nila si Amihan at Tala na kakatapos lang kumain at nagkwekwentuhan at ang sweet pa nila sa isa’t isa. Gulat na gulat sila sa nakita nila dahil kahapon lang ay hindi pa rin sila nagpapansinan. Ngaun kitang kita pa nila na nagsusubuan sila, kaya napatigil lahat sila sa nakita nila. Hindi sila umiimik sa nakikita nilang lahat.
“Ma’am, ganyan na po sila ng makita ko po kaninang umaga. Ang sweet nga nila tignan eh.” Ang sabi ni Mariel ng makita ang pagtataka nila.
Ngunit tahimik pa rin sila kaya umalis na ang mga kasambahay nila na masaya. Alam nila na magiging masaya ang mga susunod na araw nila dahil nagkasundo na ang kambal.
“Oh, Mom! Dad!! Momita at ate, andito na pala kayu. Kain na din kayo, gutom na kase kame ni Mi. Kaya nauna na kameng kumain.” Ang pagputol ng katahimikan ni Tala sabay binalik ang pansin sa kakambal.
Nagsilapitan sila ng makita si Tala at niyakap nila eto. Nagtataka naman si Tala ngunit naalala niya na hinahanap pala siya kanina dahil akala nila naglayas siya.
“Tala, kanina pa kame naghahanap sa iyo. Saan ka ba nagpupunta? Alam mo naman buntis ka baka may masamang mangyari sa iyo.” Ang saad ni Veronica, habang niyakap ang anak. Punong puno siya ng pag aalala sa anak.
“Huwag na huwag mo na to gagawin, huh.” Ang dagdag pa ni Veronica.
“Huh? Mom, hindi naman ako naglayas kagabe. Dito lang naman ako. Sa katunayan nga ay magkatabi kame natulog ni Mi kagabe. Bakit hindi niyo ba ako tinignan sa kwarto niya.” Ang sagot ni Tala na parang walang nangyari.
“Huh!!!! Magkatabi kayu?” Ang sigaw nilang lahat.
Dito lang naalala ni Tala na alam pala nila na magkaaway pa rin sila.
“Dad, umupo na po kayo. Ipapaliwanag namin ni La ang lahat.” Ang sabi naman ni Amihan at umupo na silang lahat.
“Nagkabati na kame kagabi ni Mi. Kaya nagtabi kame kagabe matulog dahil namiss namin ang isa’t isa. Wala na kameng galit sa isa’t isa at nagkaintindihan na kame. Sorry po kung pinag alala ko kayu.” Ang paghingi ng tawad ni Tala sa ginawa niya.
“Ami, totoo ba ang sinabi sa amin ni Tala? Nagkabati na kau?” Ang naiiyak na tanong ni Veronica.
“Opo, mommy. Nagkaayos po kame kagabe ni La. Ayos na po kame at wala na po ang hidwaan namin.” Ang pagkompirma ni Amihan sabay yakap sa kakambal niya, para ipakita na nagkabati nga sila.
Napatayo ulit si Veronica ng marinig niya iyun at niyakap ang dalawa. Humingi din siya ng kapatawaran sa dalawa sa maling pagpapalaki niya sa kanilang dalawa. Tuwang tuwa naman ang iba na makitang nagkaayos na ang dalawa.
Tumayo din si Lucio at niyakap ang dalawa. Masaya siya dahil nagkabati na silang dalawa. Humingi din siya ng kapatawaran kay Tala sa ginawa niya at sinabing hindi na talaga matutuloy ang kasal nila ni Macario. At nangako siyang hindi siya pababayaan habang nagdadalang tao siya.
Masayang masaya naman si Tala ng maramdaman ang yakap ng totoong ama niya. Masaya din siya at kompleto na ang pamilyang hinahanap niya. Dito niya napatunayan na mahal na mahal siya ng buong pamilya niya.
Matapos ang iyakan ay nagsimula na silang kumain. Masayang masaya sila dahil nagkabati na sina Amihan at Tala.
Matapos kumain ay pinatawag ni Lucio si Macario para kausapin tungkol sa kanila ni Tala.
“Macario, alam ko na alam mo na kung bakit kita pinatawag dito.” Ang sabi ni Lucio sa kanya.
“Yes po sir. Balak niyo ng bawiin ang utos ninyo na ipakasal sa akin si Tala.” Ang sagot niya.
“Mabuti naman alam mo. Sana hindi mo masamain ang decision ko. Kaligayahan pa rin ng anak ko ang susundin ko. Huwag kang mag alala hindi ako magagalit si ginawa mo nun, alam ko na may mali din ako ginawa. At hindi ko ilalayo sa iyo ang anak mo sa anak ko. At kailangan mo pa rin panindigan ang anak mo sa kanya kahit hindi kayu kasal. Ngunit pasensya ka na dahil nagbigay ng condition si Tala na hindi dapat malaman na ikaw ang ama ng baby niya. Kaya palihim mong mahalin at bantayan din ang anak mo. Makikita mo pa rin naman ang anak mo.” Ang pahayag ni Lucio.
“Naiintindihan ko po sir. Pasensya na po sa ginawa ko. Hindi ko na po uulitin iyun. At pagsisilbihan ko pa rin si Tala. At kakalimutan ko na po ang nararamdaman ko sa kanya.” Ang pahayag naman ni Macario.
“Ibaling mo nalang iyang nararamdaman mo sa magiging anak ninyo. Sana hindi ka magtanim ng loob sa amin. Pasensya na at napaasa kita.” Ang saad ni Lucio.
“Hindi naman po, sir.” Ang sabi ni Macario.
“Kausapin mo mamaya si Tala para humingi ng tawad sa kanya. Alam ko mahihirapan ka pero kailangan mo magtiis.” Ang bilin ni Lucio at pinalabas na niya si Macario.
“Kung anu ang magiging usapan ninyo ni Tala ay yun ang susundin ko. Mabait kang tao kaya hindi ako magagalit sa iyo.” Ang dagdag pa ni Lucio.
Ngunit bago iyun ay pinagsabihan niya eto na tawagin si Juanito. Agad naman tinawag ni Macario ang pinsan at sinabi na tinatawag siya ni Lucio. Hindi naman nagtanong si Juanito. Habang naghihintay si Lucio kay Juanito ay dumating na si Amihan. Kanina pa tinawag ni Lucio ang anak.
Pagdating na pagdating ni Juanito ay nakita niya agad si Amihan at naamoy niya ang mabangong amoy niya. Mukhang katatapos lang maligo si Amihan ng dumating siya, halata din sa buhok niya na bagong paligo.
“Oh, Juan. Andito ka na pala.” Ang sambit ni Lucio pagdating niya.
“Yes po, sir. Bakit niyo po pala ako pinatawag.” Ang tanong ni Juanito.
“Yes, dad. Anung paguusapan natin at bakit kasama po si Manong Juan.” Ang tanong naman ni Amihan na may pagtataka sa mukha.
“Well, hindi na ako magpapaligoy sa inyong dalawa. Andito tayo dahil kailangan natin pag usapan ang relation niyong dalawa. Kaya umamin nga kayo, may relation kayung dalawa diba?” Ang pahayag ni Lucio.
Alam na ni Lucio iyun, ngunit gusto niya marinig na sila mismo ang aamin sa kaniya tungkol sa relation nilang dalawa.
Nanlaki ng mata si Amihan dahil sa sinabi ng ama. Hindi siya makapinawala na malalaman ng ama ang lihim na relation nila. Ganun din si Juanito, gulat na gulat siya dahil sa pagkabisto ng relation nila.
Alam ng dalawa na ayaw ni Lucio ng nagsisinungaling at alam nilang dalawa na alam na talaga niya ang relation nilang dalawa. Kaya wala silang ibang magawa kundi umamin.
Tumayo si Amihan at tinabihan si Juanito. Hinawakan naman ni Juanito ang kamay niya dahil napansin niya ang panginginig eto.
“Dad, sorry po. May relation nga po kame ni Manong Juan. Naging kame na ni Manong Juan nung nakaraang buwan pa po. Dad, mahal ko po siya. Huwag niyo siya saktan at palayasin. Kung papalayasin niyo siya, sasama ako sa kanya. Kung sasaktan niyo siya, saktan niyo na din ako. Hindi ko hahayaan na saktan niyo siya. Mahal na mahal ko po siya.” Ang pahayag ni Amihan.
Pansin ni Lucio na prinoprotektahan ni Amihan si Juanito. Dito napagtanto ni Lucio na mahal nga ni Amihan ang lalake.
Napakamot si Lucio sa sinabi ni Amihan. Inaakala kase ni Amihan na baka hindi niya tanggap ang relation nila. Well, kung yung dating Lucio eto baka hindi niya matanggap, ngunit nagbago na siya at nauunawaan na niya ang anak niya.
Hindi muna pinansin ang anak at si Juanito ang binalingan. Kinausap maigi ni Lucio si Juanito at madami siyang tinanong sa kanya. Sinagot naman ng maigi ang mga katanungan ni Lucio sa kanya at wala siyang sinabing kasinungalingan.
Sinabi din niya kung bakit siya nagkagusto kay Amihan at wala siyang pakialam sa edad nila. Sinabi din niya na binalak niya controlin ang sarili niya na huwag magkagusto sa kanya dahil sobrang bata niya para sa kanya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili niya mas lalo na nung bumait ng sobra si Amihan sa kanya.
Nung nag uusap silang dalawa ay hindi malaman ni Amihan kung galit ba siya o hindi kaya mas takot si Amihan. At natatakot siya para sa kasintahan kaya prinoprotektahan niya eto. Napansin ni Lucio iyun kaya sinabihan na siya.
“Anak, wala naman ako balak gawin sa inyo. Tinatanong ko lang kung totoo ba talaga na may relation kayung dlawa. Wala naman akong magagawa ngaun kung nagmamahalan talaga kayu eh. Kita ko naman sa inyong dalawa. Kaya kahit ayoko sana, tinatanggap ko nalang dahil nakikita kitang masaya, anak. Gusto ko lang makasiguro na hindi ka pinilit ni Juanito.” Ang paliwanag ni Lucio.
Napaiyak si Amihan ng malaman na tanggap sila ng ama. Kaya lumapit eto sa kanya at niyakap.
“Dad, totoo? Tanggap niyo kameng dalawa ni Manong Juan?” Ang tanong ni Amihan.
“Kung masaya ka sa kanya anak. Susuportahan kita. Basta ba ikaw, Juan. Huwag na huwag mo sasaktan ang anak ko. At mahalin mo din siya katulad ng pagmamahal ng anak ko sa iyo.” Ang saad ni Lucio.
“Maliwanag po sir, hindi ko po siya sasaktan at mamahalin ko siya ng lubos.” Ang sagot naman ni Juanito.
“Okay, ikaw din, Amihan. Bili ka ng PT kit at itest mo din ang sarili mo. Alam ko may nangyari na din sa inyo.” Ang sabi ni Lucio.
Medyo nagulat man si Amihan pero naisip niya na nabisto niya sila nung araw na iyun.
“Dad, safe naman ako nun nagtalik kame ni Manong, eh.” Ang sagot ni Amihan.
“Gusto ko lang makasigurado, iha. Para sabay sabay ko na kayo ipacheck ni Tala pag kinuha na namin ang DNA test namin ni Diwata.” Ang sabi ni Lucio.
“Okay, dad. Cge po, bibili nalang kame ni Juan ng kit.” Ang sagot ni Amihan.
Wala na siyang magawa kundi sumunod sa kanya. Lumabas na silang dalawa at si Juanito na ang bumili ng Kit at bumalik na si Amihan sa pool kung saan nagkwekwentuhan silang magkakapatid na masaya. Binalik na din pala ni Lucio ang phone ni Tala.
Sa isang kwarto sa ospital, nag uusap ang isang mag anak. Hanggang ngaun naman ay comatose pa rin si Ethan habang nagaaway ang kanyang mommy at ang nakakatandang kapatid niya.
“Tristan, hindi ka ba naaawa sa kapatid mo. Sinaktan na nga nila, wala ka pa pakialam.” Ang sabi ng isang babae.
Alam ng babae na dahil sa pamilya Dela Fuente eto. Alam niya na sila ang gumawa sa kanya eto.
“Mom, alam mo naman na pinaglaruan niya ang damdamin ni Amihan at binalak pa niya gamitin ang kakambal niya para lang sa sinasabi niyong paghihiganti.” Ang sagot ni Tristan.
“Tristan, kapatid mo si Ethan. Wala ka ba talaga pakialam kung sinaktan siya ng pamilya Dela Fuente? Mommy mo ako at kailangan mo ako sundin.” Ang sabi ng mommy niya.
“Mom, paghihiganti lang ba ang alam niyo? Tingin niyo pag nagantihan niyo ang pamilya nila. Tingin mo hindi ka nila babalikan. Alam mo naman gaanu sila kalupit.” Ang sagot ni Tristan.
“Kung hindi lang ginawa ni Ethan ang gusto mo, hindi mangyayari iyan sa kanya. Baka nga nalaman nila na inutusan mo si Ethan para sa paghihiganti kaya nangyari ang lahat ng to sa kanya. Kaya nga hindi ako kadalasan umuuwi sa bahay at pinili ko nalang na mabuhay mag isa dahil ayoko madamay sa gusto niyong paghihiganti.” Ang dagdag pa ni Tristan.
“Sinisisi mo ba kapatid mo dito. Tristan, kapatid mo siya. At pinatay pa nila ang daddy mo.” Ang sigaw ng mommy niya.
Gulat din siya sa sinabi ng anak. Iyun pala ang totoong dahilan bakit hindi siya umuuwe sa kanila at kadalasan mag isa siya sa kanyang condo.
“Mom, kayu na mismo ang nagsabi na walang sapat na ebidensya na nagsasabi na sila ang pumatay kay daddy. Kayo na mismo, tapos sabi niyo pa na nagbase lang kayo sa post sa social media ng daddy nila. Pano kayo nakakasiguro na sila nga talaga ang pumatay kay daddy. Panu kung nagkamali ka at napatay mo sila. Di mas nagmukha na mamatay tao ka kaysa sa kanila.” Ang pahayag ni Tristan.
Hindi makapagsalita ang mommy niya sa sinabi ng anak niya. Kase tama siya, wala ngang malakas na ebidensya na nagtuturo sa kanila. Haka haka lang niya iyun.
“Isa pa, mom. Tinignan ko na kung bakit may pumatay kay daddy. Alam mo ba kung bakit? Tingin ko mom, hindi mo alam.” Ang tanong ni Tristan.
Hindi makapagsalita si Beatrice, ina ni Ethan at Tristan, sa tanong ni Tristan. Dahil hindi niya talaga alam ang totoong dahilan kung bakit siya pinatay. Alam niya na mabuting tao ang asawa niya.
“Pinatay siya dahil may nakaaway siya sa Underground world at malaki na rin ang kapit niya sa droga. Pangalawa, isang corrupt politician at drug protector si dad.” Ang dagdag pa niya.
Mas nagulat ang mommy niya dito. Hindi niya inaasahan na mas may mas alam pa pala ang anak niya kaysa sa kanya dahil ni isa ay hindi niya alam iyun.
“Hindi mo alam mom? Hindi mo alam na isang drug lord si dad? Para maniwala ka eto (pinakita ang isang video) panoorin mo iyan. Para maniwala ka sa akin ma, eto pa. Nakasaad diyan lahat ng mga ninakaw niya sa kaban ng bayan (sabay abot pa ng envelop). Tingin ninyo ba na inocente si dad? Tingin mo mom, ung pera natin ngaun at kung asan tayu ngaun ay galing sa malinis na paraan?” Ang pahayag pa niya.
Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapaniwala na ganun ang asawa niya. Napaiyak siya dahil niloko siya ng sariling asawa.
Matapos iyun ay lumabas na si Tristan. Pagkalabas niya ay nagising naman si Ethan. Agad nagtawag ng doctor si Beatrice para matignan ang kalagayan ng anak.
Itutuloy…
salamat sa update boss
salamat sa update sir.