I opened my eyes. I still feel light-headed pero I tried to sit-up to see where I am. Nasa ospital ako, it seems. Not surprising kasi I was involved in a car accident. All I remember was I was with a weekend trip with my best friend, Jack and my girlfriend, Jill.
We drove all the way to Tagaytay to have one of their famous bulalo to celebrate our high school graduation.
On the way there, sa opposite lane ng road may umovertake na bus sa isang tricycle. At pasalubong sa dindrive kong car. Kinabig ko sa kanan para maiwasan ko ang head-on collision. Ang kaso nga lang, I lost control of the car kaya nakabangga ako ng puno.
Yun lang naalaala ko…
“Kumusta ka na, anak?”, sabi ng Mom ko na nasa bed side ko pala.
“Medyo masakit ang binti ko”, sabi ko naman.
“May fracture ka sa anak sa binti mo. Kaya nakacast yan”, sabi niya, “Pero dont worry in three months, tatanggalin din yan. Masuwerte ka nga eh.”
“Si Jack? Jill? Asan na sila? Kumusta na sila?”, tanong ko.
“Si Jack nasa kabilang room. OK na siya may trauma lang sa head pero she’s recovering well.”, sabi niya, “Pero si Jill… hindi sya pinalad at nasawi siya. Dead on arrival”, sabi niya habang umiiyak na.
Nabigla ako sa sinabi ng aking ina. Hindi ko maiwasan mapaluha. Mahal ko si Jill at di ko akalain na mawawala siya. Ang dami naming pangarap na gustong matupad. Wala akong magawa.
Hindi ako makakain ng araw na yun. Hindi rin nila ako makausap buong araw. Nang dumilim na kuwarto, pinikit ko na lang mata ko at pinilit kong matulog.
Pagkagising ko bumaling ako sa side. Bigla akong nagulat sa nakit ako at napaupo.
Si Jill nasa aking bedside… Nagising siya sa kalabog ko…
“Will… Gising ka na pala? What’s wrong?”, sabi niya, “Are you alright?”
Napa-atras ako nung nilalapitan niya ako…
“S-sabi ni Mom, patay ka na”. sabi ko.
“Aww, you were dreaming,.. Wala pa Mom mo ako pa lang andito.”, sabi niya, “Nakakatakot naman yung panaginip mo.”
Hinawakan ko ang kamay niya at totoo nga. Dahil sa relief ko, niyakap ko siya ng mahigit at napaiyak na talaga ako. Tears of joy kung baga. Tapos hinalikan ko siya sa lips.
“Wheew, tama ka? Panaginip nga siguro”, sinabi ko sa kanya habang sumisinghot, “Si Jack? Asan nga pala?”
“The doctor said not to stress you with bad news”, sabi niya,”pero.. she didn’t made it.”
I cried again… She was my best friend since were kids, She has always been there and I’m a little disappointed that I was not able to return the favor.
I don’t know ano mas masakit – ang mawala si Jack o si Jill.
“I know you would want to be alone.”, sabi ni Jill, “Huwag mo masyado isipin at magpahinga ka muna..:”
At yun nga ginawa ko…
The next day… I wake up with Jack on the bed side..
Medyo confused na ako ngayon…
“Where’s Jill?”, pagtatanong ko.
“Hindi ba sinabi ng Mom mo?”, hirit niya, “She didn’t made it”
Hindi ko alam ang nangyayari. Am I dreaming again? Or was it when Jill was alive ang dream? Ano ba talaga ang panaginip at totoo?
I spend most of the day sa kumustuhan as visitors and relatives arrive para bisitahin ako. But in the back of my mind, I’m still trying to figure out what’s happening.
I wake up again the next day. And this time, si Jill naamn ang buhay at si Jack naman ang pumanaw.
And in the few days na nagpapagaling ako sa hospital, I finally accept what’s happening. I’m living in two realities – in one of them Jill is dead and the other si Jack naman. And everytime I sleep, nagigising ako on the other side. As if, I’m not sleeping at all…