Burger Queen
in ,

Burger Queen – Chapter 2: Patago

Nagsimula si Tess kinabukasan sa isang burger stand sa bandang Pasig. Nakatayo ang stand sa harapan ng isang malaking bahay at malapit sa dalawang planta ng pagkain. Inabutan niya ang papalitan niyang si Amy. Si Amy ay chubby at chinita, maikli ang buhok at matagiyawat ang mukha. Sa kabila nito, di siya matatawag na pangit. May dating ika nga. At dahil palangiti si Amy, madaling napawi ang hiya ni Tess. Tinuruan ni Amy si Tess sa mga gagawin na hindi itinuro sa training bago siya umuwi.

Nang maiwang mag-isa si Tess, naging abala siya sa dami ng customer na bumibili ng baon para sa trabaho. Sa buy one take one, may meryenda na ang isang tao sa umaga at sa hapon. Pagsapit ng tanghali, wala nang masyadong tao at doon nagkaroon ng pagkakataong maglakbay ang isip ni Tess. Naalala niya ang tuwa ng nanay niya nang sabihin niyang tanggap na siya at sa dami ng naiuwing grocery. Naging madali ang pagpapaliwanag niya tungkol sa ‘signing bonus’ niya at nagkataong anniversary ng kompanya. Kung alam lang ni Inay.

Nang muling dumako ‘doon’ ang isipan niya, muling nanariwa ang mga ginawa ni Frank sa kanya. Kahit na napariwara siya sa nangyari, iba naman ang opinyon ng katawan niya. Masarap ang nangyari at kapag naaalala niya, nag-iinit ang katawan niya. Isinisigaw ng katawan niya na maulit sana iyon. Pakiramdam niyang namamasa ang panty niya. Lumingon-lingon siya kung may mga tao sa paligid o kung may mga tao sa malayo na potensiyal na kostumer. Nang matiyak niyang wala, umupo siya at dahan-dahang bumaba ang kamay niya sa tapat ng hiyasniya.

Kahit nakapantalon, ramdam niya ang paghimas sa sarili. Kagat-labi siyang nagmamasid sa paligid habang pinapaligaya ang sarili. Napapikit siya at naalala niya ang sarap nung nakabaon nang husto ang ari ni Frank sa kanya.

‘Uuhhhmmmm’ ungol ni Tess. Lalo siyang nasarapan dahil nagpapaligaya siya sa lugar na posibleng makita siya. Parang kulang pa rin kaya inalis niya ang isang butones ng pantalon niya at ibinaba ang zipper para bigyang laya ang kamay niya. ‘Aaahhhh’ ungol niya. Hindi niya namalayang nakabuka na ang labi niya sa sarap at ang isang kamay niya ay nasa dibdib na pala niya. Sino mang mapadaan ay mahihinuha ang ginagawa niya. Tyloy pa rin ang imahinasyon niya. Naisip niya ang pagkain ni Frank sa hiyasniya. Ang hubad niyang katawan na nakabuyangyang sa taong hindi niya kilala. Ilang sandali pa ay nairaos niya ang init ng katawan.

“Miss, miss.”

Nagulat nang husto si Tess. Nataranta siya dahil baka nakita ng aleng kaharap niya ang ginagawa niya. “Po? Ay! Sorry po. Ano po ang order niyo?” tanong ni Tess na tumayo kahit bukas pa ang pantalon. Natatakpan naman ito ng apron niya. “Nakakapanlambot po kasi ang init. Whooo!” sabi ni Tess at kunyaring nagpapaypay.

Mabuti na lang at nasa ibang bagay rin ang isip ng ale. “Isa ngang hotdog sandwich saka isang burger special.”

“Opo! Ma’am sandali lang po.” sabi ni Tess. Nakita kaya niya? Huwag naman sana. Ano bang nangyayari sa kin?

Matapos magbayad ay umalis na ang ale na may binubulong tungkol sa ‘patagong ligaya’. Napasampal na lang sa noo si Tess.

Report

What do you think?

4 Points
Upvote
Contributor

Written by ensign

Story MakerContent AuthorYears Of Membership

Leave a Reply