Book Cover
in

BARKADA 1 ( THE REUNION chapter 11 )

credit to the original author

Chapter 11:

Kani kanyang sisihan .. Habang walang malay si Dan at Kaloy ay sumabog na ang mga emosyon.. Ang dating magkakaibigan ay nag umpisa ng magkainitan….
“kundi ka ba naman simpleng malandi na akala mo santo kung umasta .kasi ang tali talino..ang simple simple.. e di sana walang ganito” sigaw ni Mutya kay Aira..
Hawak sya ni Kris ngayon at alam ng binata na kapag binitawan nya ito ay sasabog ang emosyon nito at ibubuhos ang ilang taong pagkawalay kay Kaloy sa dalagang nasa harap nya …si Aira..
“ako??bakit ako? ang sabihin mo ikaw ang may kasalanan… akala mo ba hindi ko nakita yung nangyari sa nyo ni Kaloy sa kwarto ni Tanya? akala mo ba bulag ako para hindi makita na pinag seselos mo si Kaloy sa pool kanina..pinag lalaruan mo si Kaloy Mutya.. umaasa yung tao sayo.. ang tagal na nyang nasasaktan ng dahil sayo, hanggang ngayon ba naman sasaktan mo pa din sya” di na napigilan ni Aira ang sarili…
“sis ..tama na ..Mutya tama nayan.. walang may kasalanan sa nyo..tama na please.. jusmiyo,.alang alang na lang sa birthday ko at aniversary natin” sigaw ni Reggie..
Tahimik lang si Ram sa narinig.. Hindi nag sasalita ng nakayukong binata..
Si Clay nama’y naghihimas pa din ng sikmura.. Nakabantay sa kanya si Sam.
“pasensya na .. kasalanan ko ..sige ako na ..kasi mahal ko pa din si Kaloy hanggang ngayon.. ” sabi ni Mutya.. Lahat ay nagulat sa sinabi ng dalaga..
“Envy” nasa tinig ni Reggie ang pagka disappoint..
“3 years na kayong wala at buong akala ng lahat e ok na kayo ni Dan.. Masaya naman kayo di ba? aaminin ko na ayaw ko sa kanya pero alang alang sayo tinanggap ko sya kasi kaibigan kita..tas sasabihin mo ngayon na si Kaloy pa din mahal mo..oo. minsan tinutukso ka namin dun, pero sis naman.. hindi naman totohanan yun e..Mabait naman si Dan para lokohin mo..at saka ..sinaktan mo si Kaloy.. tapos eto ngayo’y babalikan mo ng ganun ganun na lang?” ika ng bakla..
“mahal ako ni Kaloy.. sinabi nya sakin yun.. at may sumpaan na kami na magsasama ulit ..at tatapusin ko na to pag gising nya ..sasabihin ko na iiwan ko na si Dan.. mahal ko sya .. at hindi ko kayang maghintay ulit ng ilang taon na wala sya” napaiyak na si Mutya..
Napailing ang lahat sa narinig. . Maging si Clay ay naging seryoso…
Napahagulhol na lang ng tahimik si Aira.. Inipit nya ang mga labi nya para hindi maglabas ng ingay sa pag iyak.. pilit nyang pinunas ang luha…Ngumiti..
“pasensya na Mutya.. tama ka.. Mahal ka ni Kaloy… obvious naman.. at mali ang ginawa ko .. sorry sa lahat ng mga nadamay..” tanging nasabi ni Aira…
“sis” tila may gustong sabihin si Reggie na hindi nito masabi..
Nangilid din ang luha ng bakla .. Sobrang ramdam nya ngayon ang hirap ng kaibigan.. Alam nya ang lahat.. Alam nya ang lahat lahat simula pa noon..
“bakit ikaw” singit ng isang boses..
lahat ay napatahimik at napatingin sa pinanggalingan nito..
“bakit ikaw na naman… bakit ikaw na lang palagi ang nag sasakripisyo” seryoso si Ram na nakatingin kay Aira..
“Naalala ko nung unang beses kitang nakitang umiyak nung hayskul tayo.. sabi mo sakin crush mo yung taong tumulong sa kin nung binugbog ako ng mga senior ..Natuwa ako…pero ikaw hindi..kasi sabi mo gusto din sya nung isa mo pang kaibigan at may mutual feelings sila sa isa’t isa.. Sabi ko sayo noon lumaban ka.. pero hindi, nagsakripisyo ka na masaktan para bigyan ng puwang yung feelings ng iba..” paliwanag nito ..Lahat ay naguluhan sa mga sinabi ni Ram..
“ang tagal mong tinago… tagal mong iningatan.. pero ramdam ko sa bawat kilos mo…ang galing galing mo.. hindi ka nagbigay ng sign para man lang maisip ng dalawa na nasasaktan ka sa bawat pagsasama natin at nakikita mo sila na masaya ..” dagdag pa ni Reggie.. si Aira naman ang nagulat sa mga sinabi ni Reggie…
“tapos di nagtagal.. sumuko ka din sa pag asang may pupuntahan ang istorya nyo.. Mutya .matapos nyong mag break ni Kaloy… anong ginawa mo? ni hindi mo binigya ng reason o hinintay ang paliwanag ni Kaloy.. si Aira.. si Aira ang pinaglabasan ng sama ng loob ni Kaloy.. at oo… doble ang sakit nun para sa kanya.. sinisi nya ng sarili na ipinamahala nya sayo ang pagmamahal ni Kaloy.. kung sana sya na lang … kung sana hindi lang lulong sa pag mamahal si Kaloy sa yo na sinayang mo .e di sana ..ok lang ang lahat..at ngayong naging ok na sila… heto ka’t hihirit ng mahal mo si Kaloy.. mahal ka nya.. Hindi mo sya mahal Mutya… kinukulong mo lang sya dahil ayaw mong mapunta sya sa iba..” dagdag din ni Ram…
“Ram ?? Reggie ano na naman yan” tanong ni Sam sa dalawa..
Tahimik lang si Mutya…
“sino ka ba?? sino ka sa buhay ni Aira” tanong nito kay Ram…
“Raymart.. ako yung tinulungan ni Kaloy nung binugbog ako ng mga senior.. at hindi ko girlfriend si Aira.. 1st cousin kami.. eventually.. pumayag lang ako na maging boypren nya kasi nahahalata na nga daw ni bakla na may something sya kay Kaloy..” paliwanag ni Ram..
“Nak nam puta” inis na sabi ni Clay..
“yiiiiiieeee.. sinasabi ko na e..may something ..may something nga ” tili ng bakla..
Di naman makagalaw si Mutya at si Aira sa mga narinig.
“ayaw ko na magsinungaling Aira.. Nasasaktan ka na naman… please lang ..ipaglaban mo naman ngayon yung feelings mo para kay Kaloy.. wag kang maduwag … mawawala sya ulit sayo kung hindi ka lalaban..” sabi ni Ram..
Tila pinagtulungan naman sa sitwasyon nila si Mutya..Wala syang masabi sa mga nalaman..
Bakit hindi nya alam…
“bahala na kayo jan… mag gagayak lang ako..at aalis na kami ni Dan pag kagising nya” sabi nito at umalis na…
“Mutya..” pigil ni Ram sa dalaga..
Huminto naman si Mutya at nakinig sa binata..
“may masamang plano ang boypren mo kay Kaloy.. please.. nakikiusap ko.. pilitin mo na baguhin ang isip ng boypren mo . “malumanay na wika ni Ram..
“anoooo?? syet….. mahihigh blood ako …ano yang plano plano nayan” sabi ni Reggie.
napaisip si Mutya…naalala nya ang sinabi ni Tanya kanina..
“tol… Clay.. alam kong mahal na mahal mo si Tanya.. tigilan mo na to.. pare parehas tayo na gusto ng tahimik..ayaw ko na ng gulo tol” sabi pa ni Ram…
Napaisip naman si Clay.. Tila natauhan ang binata..
Maging si Brando ay nakaramdam ng guilty.. heto’t isang araw lang silang nagsama at andami ng nangyari. Tiningnan nya si Reggie… Naawa sya rito.. Matagal na nya itong niloloko at unti unti syang naguilty sa mga ginagawa rito..
“Bhe.. sori-” niyakap ni Brando si Reggie.. Nagulat man ang bakla ,..ngumiti pa din sya.. sa wakas at natauhan na si Brando..
“bhe.. ano yun” kunwari tanong ng bakla..
“marami akong kasalanan sayo bhe…napakabait mo sakin.. sori” sagot ni Brando..
Ngumiti lang si Reggie..
Tinitigan nya ang boypren..
“ano ka ba? alam ko lahat ng ginagawa mo … ano pa ba ieexpect ko? yung ganyang kagwapo sayo hinding hindi mauuwi sa katulad ko ..no choice ako kundi araw araw masaktan ng bonggang bongga” ika ng bakla..
“mag sisimula ulit tayo bhe…at pangako..magiging tapat na ko sayo” sabi ni Brando..
“totoo” tanong ni Reggie..
“oo” sagot ni Brando sapat para maniwala ang bakla..
“ok na sya.. nalinis na namin sugat nya..kelangan lang nya magpahinga ” sabi ni Angel at Jema..
“thanks girls…,buti na lang may nurse sa tropa” ika ng bakla..
“anong namiss ko?” anong naman ni Tanya ng makitang nag iiyakan ang lahat..
Napangiti pa si Tanya sa sitwasyon..
“nagka aminan na ba ng rebelasyon?” tanong nito..
Walang sumagot..
“kasi naman Mutya. . sinaktan mo yung tao.. May bago ka ng pag ibig..kaya nga nagkakanda leche leche tayo buong araw e gawa ng pagka high blood ni Dan kay Kaloy..kasi pinaparamdam mo na di ka pa din makamove on sa kanya..” ika ni Tanya..
“at ikaw naman Aira.. wag kang duwag.. mahal mo pala yung tao tapos …haaay ang gulo nyo.. bahala kayo.. mamaya sakin pa mauwi yan si Kaloy..” biro pa nito..
‘babe naman” singit ni Clay..
‘babe babe ka jan..marami kang ipapaliwanag sakin.. kung hindi .umalis ka na at maghiwalay na tayo” diretsang sagot ni Tanya..
“ayyyyy winner, taraaay sis ah ..lagot ka Clay..” sabi ni Reggie na yakap yakap ngayon ni Brando..
“di ako nag bibiro..” sabi pa ng dalaga.
“ano aamin ka oh break”
“aamin na babe..sori” tila natatot naman si Clay..
“oh sya….sa kwarto ko” kindat ni Tanya sa binata.
napangiti naman si Clay sa dalaga, agad na lumakad si Tanya kasunod ni Clay..
‘babe ano ba aaminin ko sayo..ano gusto mo malaman..kahit ano babe , magtanong ka lang sasagutin ko lahat.. isasambulat ko lahat ng sikretong alam ko.. kung sinong pumatay ka Ninoy…sa 7/11.. kay Michael Jackson.. lahat babe..basta sa kwarto mo ha” di magkanda mayaw si Clay sa dalaga..
“oo..babe ..basta.. maging totoo ka lang sakin palagi at gagawin ko lahat ng gusto mo” sagot ng dalaga.
“aba ..kung sinabi mo na ito noon pa e di sana ang good boy ko ngayon” biro ni Clay at nagtawanaan sila.
Isa isang nag alisan ang lahat.. Lahat ay pumunta kay Kaloy..tanging si Mutya lang ang pumunta kay Dan..
Tulog pa si Kaloy.. may benda ang ulo..
“huy gising na ..may sasabihin daw si Aira sayo” biro ni Reggie sa nakahigang binata..
Nagtawanan naman sila at iniwan na din si Kaloy.. nagpaiwan na din si Aira..
“e mamaya sis mag gagabi na at mag uumpisa na party ko.. ” yaya ni Reggie kay Aira..
“susunod kami pag kagising nya” sagot ni Aira..
“sumunod kayo ha ..as may jowa..not magkaibigan. kaya mo nayan..” sabi pa ni Reggie..
tumango lang si Aira..

itutuloy..

Report

What do you think?

1 Point
Upvote

Written by Jeff

Leave a Reply