From Part 3
Ninong Bogs: “Siya nga pala, iha, nagustuhan mo ba ang kwarto mo? Okay ka lang ba sa pag-stay mo dito sa bahay?”
Mish: “Yes po, Ninong. Okay lang po ako. Ang laki at ganda po ng bahay n’yo!”
Bogs: “Bunga ‘yan ng matagal kong pag-iipon. Ngayon, wala na ako sa serbisyo at mag-isa na lang sa buhay. Kapag naiinip ako dito, madalas akong nagbabakasyon sa ibang bansa para bisitahin ang mga anak ko na may sarili nang mga pamilya.”
Mish: “Kaya pala wala kayo rito noong dumating kami.”
Bogs: “Oo, sakto ngang wala ako. Kaya si Manang Choling ang iniwan kong tagapamahala ng bahay. Siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko kapag wala ako.”
Mish: “Kaya pala si Manang ang sumalubong sa amin. Pero okay lang po siya, mabait naman.”
Bogs: “Basta kung may kailangan ka, iha, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.”
Mish: (nakangiti) “Opo, Ninong. Maraming salamat po.”
Bogs: “Ayun! Ganyan ang gusto kong marinig mula sa maganda at sexy kong inaanak.” (sabay tawa habang nakatitig kay Mish.)
Hindi na sumagot pa si Mish. Lihim na lamang siyang napatawa. “Pilyo talaga si Ninong Bogs,” bulong niya sa kanyang sarili.
Kinabukasan, maagang nagising si Mish upang maghanda ng almusal para sa kanyang Ninong Bogs. Dahil tinuruan na siya ni Manang sa pagluluto, naging madali ito para sa kanya.
Pagkatapos ay naligo siya. Plano niyang lumabas dahil magpapadala siya ng pera sa kanilang probinsya. Kakatanggap lang niya ng unang sahod mula sa kanyang Ninong.
Samantala, abala si Bogs sa kanyang telepono, tinatawagan ang mga kasosyo sa negosyo. Sa laki ng kita mula sa kanyang illegal na negosyo, mas pinili na niyang tumigil sa serbisyo at mag-focus na lamang dito.
Dahil sa dati niyang pagiging pulis, malawak ang kanyang koneksyon, dahilan ng kanyang tagumpay. Napakayaman niya at halos hindi na iniinda ang gastos.
Pagkatapos ay naisipan niyang magpunta sa gym na malapit sa kanyang kwarto. Hindi ito malaki, ngunit sapat para sa sarili niyang gamit. Matagal na niyang nakasanayan ang pag-gym, at hinahanap-hanap na ito ng kanyang katawan.
Bagama’t hindi halata dahil madalas siyang magsuot ng maluluwag na damit. Pero mapapansin ng mga taong mahilig sa fitness ang laki at ang porma ng kanyang mga balikat at braso na dahil ito sa kanyang pag gi- gym.
Pagkatapos ng ilang linggo, bihira ang usapan nina Bogs at Mish dahil abala ito sa negosyo. Madalas ay saglit lang ang kanilang pag-uusap bago aalis si Bogs.
Pero hindi ito ikinabahala ni Mish dahil palagi naman siyang binibigyan ng pera para sa pangangailangan niya sa bahay at sa kanyang personal na gamit. Kung minsan, sobra pa ang perang ibinibigay nito.
Isang araw, maagang umalis si Mish dahil may mahalaga siyang aasikasuhin. Samantalang si Bogs ay nanatili lamang sa bahay.
Bago lumubog ang araw, naisipan ni Bogs magtampisaw sa pool sa likod ng bahay. Suot lamang niya ang kanyang brief habang naliligo.
Nang makauwi si Mish, agad siyang nagbihis at dumiretso sa kusina upang maghanda ng hapunan. Habang naghahanda ng pagkain, natanaw niya si Bogs na nakahiga sa pool chair, suot lamang ang kanyang brief.
Noong una, hindi napansin ni Mish ang bruskong katawan ng kanyang Ninong dahil nasa malayo ito. Pero nang makalapait na siya at tingnan niya itong muli, nanlaki ang kanyang mga mata.
Napansin niya ang malaking katawan ni Bogs. Kahit nasa edad 50+ na ito, halatang alaga ang katawan dahil sa hulma ng mga muscles sa braso, balikat, at dibdib.
Mish: “Uhmmm… Good evening po, Ninong. Handa na po ang hapunan natin.”
Lalong nanlaki ang mga mata ni Mish nang humarap si Bogs. Hindi niya maiwasang humanga sa katawan ng kanyang Ninong. Sandali siyang natulala habang kaharap ito.
Bogs: “Dalhin mo na lang dito ang mga pagkain, iha. Dito na lang tayo kumain sa gilid ng pool.”
Mish: (nahiya) “Ooopo, Ninong.”
Napangiti si Mish habang papalayo kay Bogs. May kung anong gumugulo sa kanyang isipan.
Ano kaya ang nasa isip ni Mish?
Itutuloy…
This post was created with our nice and easy submission form. Create your post!
sexcited na ko